After i-lift ang ECQ sa June 1 kahit may COVID pa... SHARON, ATAT NANG MAG-TRAVEL ABROAD, BEA, MAGSU
- Julie Bonifacio
- May 30, 2020
- 2 min read

Excited na ang marami sa paglabas ng bahay sa Lunes para harapin ang tinatawag na "new normal."
Ang ilang celebrities ay nag-iisip na sa unang lugar na pupuntahan nila after ng lockdown.
Si Bea Alonzo, nami-miss na ang beach. Si Megastar Sharon Cuneta ay gusto na ulit sumakay ng eroplano at mangibang-bansa.
Habang ang iba naman ay naghahanda na sa mga gagawin nilang precautionary measures once makalabas na ulit sila ng bahay. "Matira matibay" na raw kasi ang labanan kapag lumabas na tayong lahat.
Sa Instagram account ni Dra. Vicki Belo ay may mensahe siyang ipinost na ganito ang nakasaad: "Be very careful. CoVid-19 is also excited about Monday."
Pagkatapos ng caption, muling nagpaalala si Dra. Belo sa kanyang mga followers na mag-ingat.
"We weren’t able to flatten the curve despite our 2 and a half month quarantine. We can’t quarantine forever, so many people are suffering from lack of food and money. So it’s in our hands and God's of course. Let's all be super duper careful and start the day with a prayer for protection for everyone," paalaala pa ni Dra. Vicki.
Samantala, ang "author" ng "Bawal Lumabas bill" (tsururot) na si Kim Chiu ay naghahanda na para sa Pwede Nang Lumabas na ihahain niyang "bagong batas" sa madlang pipol.
Nagbigay ng paalala si Kim sa mga maglalabasang Pinoy sa June 1, Lunes, na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
"Getting ready for #GCQ. It is a risk going out today especially starting on Monday, officially announced that we are under GCQ," caption ni Kim sa kanyang piktyur na naka-post sa IG niya.
Suot ni Kim sa kanyang leeg ang isang personal wearable air purifier mula sa ini-endorse niya na mobile phone. Nakakatulong daw ito sa pagtanggal ng harmful airborne pollutants.
Mukhang bongga ang device dahil nakakapagbigay daw ito ng mas malinis and healthier air around your personal breathing space.
Sa kabila nito, ini-encourage pa rin niya na huwag nating kalimutan ang mga pag-iingat na dapat nating gawin.
"Of course, let us not also forget the safety precautions that we have to keep in mind while going out. Stay safe and healthy classmates."
Alam na, huh?!





Comments