Utos ng Diyos sa mga bawal at puwedeng kainin, dapat nang isabuhay
- Sr. Socrates Magnus II
- May 29, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin sa ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Tulad ng nasabi sa nakaraang isyu, binalikan natin ang kasaysayan ng tao at kanyang Diyos, magugulat tayo dahil makikita natin ang mga kamalasan at kasamaan na nararanasan ng mundo ay nag-uugat pala sa hindi pagsunod ng tao sa utos kung ano ang dapat na pagkain.
Sa modernong panahon, lalong nakita natin na ang God’s Law of Health ay angkop at nararapat isabuhay. Bukod pa sa utos na huwag kakain ng walang kaliskis at karneng ipinagbabawal, mahigpit din ang utos ni God na huwag kumain ng taba ng hayop.
Sa ngayon, halos lahat ng doktor ay nagsasabing hindi magandang kumain ng taba ng anumang hayop, lalo ng baboy, baka at manok. Ayon sa agham ng medisina, ang pagkain ng taba ay pagmumulan ng maraming sakit o karamdaman at ang nasabing marami ay mabibigat at nakamamatay na sakit.
Kaya ngayon, marami-rami na rin ang tumigil sa pagkain ng taba, pero hindi dahil ito ay inutos ni God kundi ito ay dahil ipinapayo ng kanilang mga doktor. Pero ang talagang dahilan ng hindi pagkain ng taba ay ang takot na mamatay.
May isa pang utos si God. Ang sabi Niya, huwag kakain at hihipo ng mga patay nang hayop at ngayon, ito ang tinatawag na “double dead ” na karne. Pero ang mga tao ay nagsisikain pa rin dahil una, mura ang halaga at ikalawa, naniniwala silang walang nangyaring masama sa kanila.
Kay God, dalawa ang utos, as in, kambal na utos. Ito ay “Huwag kakain at huwag hihipuin.” Napakahigpit ni God at ang kanyang paghihigpit ay dahil mahal niya ang mga tao at iniwas sa mga karamdaman.
May isa pang hindi nasusunod ang mga tao sa modernong panahon at ito ang dapat na ituring na “unclean” ang babaeng nanganak. Marumi o hindi malinis ang ibig sabihin ng “unclean.” Para sa eksaktong utos na ito, ang sabi ni God, kapag lalaki ang isinilang ng ina, pitong araw na unclean ang nananganak at kapag babae ang sanggol, 14 days na ituturing na unclean ang bagong panganak.
Dahil dito, ang nagpaanak o ang midwife ay inuutusan na huwag lumapit sa kanila at huwag makisalamuha sa mga tao. Kaya ang nagpaanak ay dapat maligo ng hard bath, kumbaga, ito ang pagligo na lahat ng bahagi ng katawan ay lilinis nang todo-todo.
Ang nanganak naman ay hindi dapat hipuin ninuman at dapat din ang dadalaw ay hindi lalapit, kumbaga, gagawin ang social distancing na isa o dalawang metro.
Sa ngayon, maraming mga doktor ang nagsasabing okey naman ang mga bagong pangnanak at ang sabi, puwedeng tumabi ang asawa, pero bawal muna ang seksuwal na aktibidad hindi dahil marumi ang babae kundi dahil may sugat pa sa maselang bahagi ng katawan.
Sa madaling sabi, hindi na kinikilala ng mga doktor ngayon na marumi ang bagong panganak at hindi tulad sa sinabi ni God na marumi, huwag hihipuin at layuan muna ang nanganak.
Ito ang nangyayari ngayon, pero iba noon. Sa kasaysayan ng mga sinaunang Pilipino, pero hindi pa naman katagalan dahil naikukuwento pa ng ilang matatanda na kapag bagong panganak, hindi muna sisipingan hanggang hindi lumalagpas sa 40 days matapos manganak. Malaki ang pagkakaiba dahil para sa mga doktor, basta magaling na ang sugat, puwede na.
Itutuloy




Comments