'Pag English daw, kay Ryan na 'yun... JUDAY, AMINADONG FILIPINO AT P.E. LANG ANG KAYANG ITUR
- Vinia Vivar
- May 29, 2020
- 2 min read

Ayon kay Judy Ann Santos, kung ang entertainment industry ay matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ganu'n din daw ang restaurant business.
As we all know ay may Angrydobo Restaurant si Juday na nagsara dahil nga sa health crisis sa bansa.
At least ngayon nga ay binuksan na raw niya ang Taft Ave. branch although limited lang sa take-out and deliveries.
Kuwento nga ni Juday, nang nagsara sila, lahat ng supplies ng resto ay ipinauwi niya sa lahat ng mga staff nila para naman kahit paano ay makatulong sa araw-araw na pagkain ng mga ito habang naka-lockdown.
“And habang naka-quarantine, we are thinking of ways on how we’re gonna keep our staff, because as much as possible, we don’t want naman talaga hangga’t maaari na magtanggal ng tao,” sey ni Juday sa interview with Tim Yap sa YouTube.
Ikinuwento rin ni Juday ang buhay-quarantine nila sa bahay with husband, Ryan Agoncillo and kids. Aniya, para rin daw siyang aktres sa bahay with different roles. Nandiyang cook or chef siya, nandiyang housewife, nandiyang tutor sa mga anak, gardener dahil nahihilig nga siya sa pagtatanim lately, at kung anik-anik pang role.
Pati sa tatlo niyang anak ay iba-iba rin ang kanyang role.
“It’s a different ball game if you have kids at home. Kami kasi, ang mga bagets namin, 5 yrs. apart ang age gap nila. So, different child calls for different moods and situations, like 'pag si Yohan (the eldest) ang kausap, siyempre, barkada. ‘Pag si Lucho (the second) ang kausap, video game mom naman ako. 'Pag si Luna (the youngest) ang kausap, day care teacher naman ako,” natatawang sabi ni Juday.
And bibilib ka rin sa kanya dahil nagagawa pa niyang mag-take ng online classes. She’s currently taking planting class at nagte-take rin siya ng ServSafe online course para sa kanyang restaurant business.
“And then I took up basic home schooling in preparation for what’s gonna happen sa susunod na pasukan ng mga bata. Parang I had to educate myself. How am I gonna do this? Ako pang hindi mahilig mag-aral noong kabataan?” sey ni Juday.
Natatawa pang kuwento ng aktres, ang usapan nila ni Ryan, hati sila sa mga subjects ng mga bata. Siya raw sa Filipino and P.E. subjects, at ang mister na niya sa iba, especially ang English subjects.
“'Yung mga Math, Geometry, Science, support na lang ako,” natatawang sabi ni Juday.





Comments