top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MICHAEL V., NANINIWALANG 'DI MAGSASAWA ANG MGA TAO SA COMEDY SHOWS KESA SA MGA SERYE

  • Erlinda Rapadas
  • May 29, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Dahil sa COVID-19 pandemic, no choice ang mga TV productions kundi tumigil muna sa pagteteyping ng mga shows na ipinalalabas araw-araw.

Malaking kawalan ito sa mga artista at production people. No choice kundi mag-replay na lang ng ibang programa tulad ng sitcom na Pepito Manaloto na ilang taon nang umeere sa GMA-7.

Pero, ang comedian na si Michael V. na bida sa Pepito Manaloto ay naniniwala na may bentahe ang sitcom kumpara sa mga serye.

Bukod sa natatapos ang istorya sa bawat episode ay hindi pa pagsasawaang panoorin kahit na replay lagi dahil sa katatawanan at aral na hatid nito, lalo na ngayong may mabigat na pinagdaraanan ang lahat dahil sa problema sa COVID-19.

Mga light na programa ang kailangan natin ngayon para maghatid ng good at positive vibes kaya marami pa rin ang gustong mapanood ang Pepito Manaloto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page