Mga supermarket owner na wa’ pakels sa kaligtasan ng mga frontliner na empleyado, mahiya naman kayo!
- Imee R. Marcos
- May 29, 2020
- 1 min read
Bakit ba kahit nasa gitna tayo ng krisis dahil sa COVID-19, marami pa rin ang abusado o switik?
Buwisit to death ako, mga frennie! Bakit kamo? Nabuking natin na ilang supermarket owner ang hindi nagbibigay ng personal protective equipment o wa’ pakels sa proteksiyon o kaligtasan ng kanilang mga empleyadong frontliners tulad ng mga cashier, bagger at promodizer.
Bokelya natin na inaako pala ng mga empleyado ng ilang supermaket ang gastusin sa pagbili ng mga PPEs para sa kanilang proteksiyon kontra sa COVID-19 tulad ng face mask, alcohol o sanitizer habang nasa trabaho! Juicekoday!
Ito ay tahasang paglabag sa kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) kaya dapat maimbestigahan ang mga supermarket owners na ‘yan at hindi dapat palampasin ang mga pang-aabusong ito sa mga frontliners nilang mga empleyado.
Eh, kung ako ang tatanungin kapag napatunayang guilty ang mga may-ari ng supermarket sa pang-aabusong, ‘yan marapat lang na parusahan sila at kasuhan! Ano sila sinisuwerte? Mga walang konsensiya, ‘di ba?
Bukod sa mga cashier, bagger at promodizer, buking din natin na hindi naiisyuhan ng gamit na proteksiyon kontra virus ang mga sekyu at ganu’n din, pera nila ang ginagamit na pambili ng face mask!
Ano vah? Napaka-switik naman ng supermarket owners na ‘yan, eh, kakarampot na halaga lang naman ang magagastos nila para sa kaligtasan sa virus ng kanilang mga frontliners na empleyado, damot to death pa sila? Walang awa sa mga workers na kakarampot na nga kita, ibibili pa ng kanilang mga proteksiyon vs COVID-19. Heler!
Jusko, gawan ninyo ng paraan ‘yan, kung ayaw ninyong mabalikan kayo.





Comments