top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LRT, MRT at PNR balik-operasyon na sa Hunyo 1 — DOTr

  • Mylene Alfonso
  • May 29, 2020
  • 2 min read

Handa na umano sa muling pagbiyahe ang mga tren ngunit sa limitadong kapasidad lamang kapag sumailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa Hunyo 1.

Sa televised press briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na 10% - 12% ng passenger capacity ng LRT at MRT ang ipatutupad sa bawat biyahe nito habang 35% naman ng passenger capacity ng Philippine National Railways sa kada biyahe ng tren.

Gumawa na rin aniya ng mga paraan ang ahensiya upang masunod ang health protocol sa mga tren.

“Kung tayo'y mag-transition from MECQ to GCQ, on the first day we can already put into operation our train and railways,” ani Tugade.

“Namarkahan na 'yung bawat upuan, bawat handrail, ticket booth, queing, nakahanda na ho ito. 'Pag sinabing Lunes, handa ho kami sa Lunes bagama't sasabihin kong 'wag i-expect ang operation ay 100 percent," wika ni Tugade.

Target din umano ng DoTr na matapos ang pagpapalit ng riles ng MRT sa September para bumilis ang takbo ng mga tren at mas madali itong makarating sa mga istasyon.

“'Pag umandar na 'yung MRT-3 sa kabuuan ng kanyang pagdausdos at maayos na 'yung tren, ‘yung average headway natin 5 minutes, mababawasan. ‘Yung kilometers per hour travel time na ngayon ay 30kph, by December, target po namin na speed magiging 60kph, kasi nabago na riles ng tren. Mababalik na sa dati. Bakit po importante ‘yung riles? Importante ‘yung riles at tren, kasi ho, massive ho ang pasahero nito kumpara sa modernized jeepney, Grab, taxi. Mas marami dito kaya concentrated kami diyan," paliwanag ni Tugade.

Aniya, dahil sa limitadong kapasidad ng tren, gagamitin umano ang mga bus.

“Mag-i-introduce ng bagong pamaraan. Ito hong bus augmentation system ay magkakaroon ng tinatawag na dedicated lane sa EDSA. Mid lane. Ibig sabihin, may tatakbo na bus. Sa umpisa, dahil gradual calculated and partial, gamitin muna 300-500 buses. ‘Pag nagawa ito, i-increase namin 'yan.”

Nabatid na ang mga bus ay pupuwesto umano sa mga istasyon ng MRT 3 para maaaring sumakay dito ang mga pasahero na nakapila.

Hindi rin umano magiging limitado ang bicycle lane sa EDSA at sa iba pang bahagi ng bansa.

“Ultimately magkakaroon ng tinatawag na bike lane kung saan nakikipagkapit-bisig kami with MMDA and DPWH para mabuhay ulit ang bicycle lane,” dagdag ni Tugade.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page