Kung dati, super busy sa career... JENNYLYN, MAS NAGKAROON NG ORAS SA ANAK DAHIL SA QUARANTINE
- Vinia Vivar
- May 29, 2020
- 1 min read

Isang proud mommy ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa kanyang unico hijo na si Alex Jazz.
Sa Instagram post ng aktres, ipinakita niya ang quarantine hairstyle ng anak at lutang na lutang ang kaguwapuhan nito.
Pati ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Yasmien Kurdi at Ana Barro ay natuwa sa magandang pagkakakuha ni Jennylyn ng litrato ni Jazz habang nagpapalipas ng oras sa kanilang balcony.
Dahil sa lockdown at pansamantalang pagtigil ng taping ng Philippine adaptation ng pinagbibidahan niyang Descendants of the Sun, mas marami ngayong oras si Jennylyn para makasama at makipag-bonding sa anak niya.





Comments