top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bagong seaport sa Pag-Asa Island, mag-o-operate na sa June 12 — DOTr

  • Mylene Alfonso
  • May 29, 2020
  • 1 min read

Kinumpirma ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nakatakdang magbukas sa Hunyo 12 ang bagong seaport sa pinagtatalunang Pag-Asa Island sa Palawan.

Sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kagabi sa Palasyo, sinabi ni Tugade kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magsasagawa ng inauguration ceremony para sa nasabing P450-million seaport.

"Sabihin ko na rin ho, Mr. President, sa maritime. Nakatapos na ho kami at ni-report namin sa IATF kahapon ito na natapos na kami ng puerto at gusto nilang inaugurate-in pa. Sabi ko wala nang inaugurate-inaugurate, operate-in mo na lang. Mahigit 10 na ho ‘yan, operate-in mo na lang. Wala na tayong opera — inauguration-inauguration…," sabi ni Tugade kay P-Duterte na agad sinegundahan na ayaw na nito nang may seremonya pa.

"Oo, basta operate-in mo na lang. Kasama ho diyan ‘yung pagtatapos nung puerto sa Pag-asa. Handa na hong mag-turnover ‘yung Provincial Government of Palawan na i-turnover sa amin ‘yon sa June — June 12," wika naman ni Tugade.

"Sabi ko kung maaari accept-in ko na lang sa papel ‘yan. Huwag na tayo mag-inaugurate. Umpisahan na lang natin," pahayag pa ng Kalihim.

Matatandaang noong November 2016, nagdesisyon ang kasalukuyang administrasyon para sa pagpapatayo ng seaport sa Pag-Asa Island na isa sa pinakamalaking isla sa Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Group of Islands sa West Philippine Sea kung saan mayroon itong 400 residente na ang ikinabubuhay ay ang pangingisda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page