top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Takot mahawa ng COVID-19... NORA, AYAW MAGBALIK-TAPING DAHIL SA HIKA

  • Erlinda Rapadas
  • May 28, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Malapit nang ma-lift ang lockdown sa buong Kamaynilaan (tentative is June 1) at excited na ang marami na makalabas ng bahay at makabalik sa kani-kanyang trabaho.

Maging ang buong showbiz industry ay naghahanda na rin para sa pagpapatupad ng guidelines sa movie and TV productions. May inilabas na guidelines ang FDCP. Ang mga guilds naman sa movie industry ay may inilatag ding panuntunan na kanilang ibibigay sa mga movie producers.

At pati ang TV production ay nagpupulung-pulong na rin kung paano ang gagawing preparasyon sakaling magbalik na ang teyping ng mga serye. Marapat na sundin nila ang protocols at guidelines na paiiralin tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask ng lahat na involved sa production at kailangan na sanitized ang venue ng teyping.

Ang Superstar na si Nora Aunor na bida sa TV version ng Bilangin ang Bituin sa Langit kasama sina Isabel Rivas, Mylene Dizon, Kyline Alcantara atbp. ay natanong kung ready na ba siyang magbalik-teyping sa serye?

Ang sagot ni Ate Guy, "Baka hindi muna siguro dahil may asthma ako. Mahirap ang mag-risk dahil hindi pa nahahanap ang lunas sa COVID-19."

So, ano kaya ang gagawin sa kanyang character sa serye kung sakaling magbalik na ang taping?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page