Nag-throwback, inisa-isa talaga, Kiko... SHARON, KUMANTA SA MGA LALAKING NAKAUNA SA KANYA
- Julie Bonifacio
- May 28, 2020
- 3 min read

Nag-trip down memory lane sina Megastar Sharon Cuneta at Concert Queen Pops Fernandez sa kauna-unahan nilang online tsikahan sa YouTube kagabi, May 27.
Dating schoolmates sa International School sa Pasig City at neighbors sa Dasmariñas Village sa Makati sina Mega at Pops, kaya nag-backtrack sila ng nangyari sa buhay nila during their teen-age life.
Aminado si Sharon na mas masipag mag-aral si Pops kesa sa kanya noong nasa IS sila. Pero kung nasa high honors level si Pops, nasa honor list din naman si Mega na ipinapaskel sa buong school.
Bilib naman si Pops sa pagiging negosyante ni Mega. Bata pa lang ay nakita na niya na ang husay ni Sharon sa pagnenegosyo at pagbebenta.
Kapag may event daw kasi sa Dasma mansion nina Mega ang parents niya na sina former Pasay City Mayor Pablo at Elaine Cuneta, nakikita raw ni Pops si Mega na may sariling lamesa sa isang tabi at doon nagbebenta ng kung anu-anong pambatang collections like stationeries, stickers, etc..
Sa dami nga naman ng mga bisita nina Mayor Pablo at Mommy Elaine, sold-out agad ang paninda ni Sharon.
As most of us know, naunang pumasok sa showbiz at sumikat si Mega kesa kay Pops. But there was a time, pinagtapat din sila ng mga fans and critics in the mid-80s.
This is maybe the reason kaya never silang naging best of friends.
Anyway, sa unang portion ng kanilang 'Girl Talk' online ay may set of questions si Pipay kay Shawie na pinamagatan niyang "I Want To Get To Know Her More."
First question ni Pops ay kung nagkaroon ba si Mega ng crush among the Regal babies. That time kasi, exclusive si Sharon sa Viva Films.
"Ay, si Albert (Martinez), naging boyfriend ko. Pero hindi ko siya crush before that. Naging boyfriend ko siya for three months. Tapos, isinumbong sa akin ni Gabby (Concepcion) na girlfriend niya si Snooky (Serna) habang nagsu-shoot ng movie na Bata Pa si Sabel sa Vigan," kuwento ni Sharon.
Si Gabby daw ang nagkuwento sa kanya dahil pinababantayan niya si Albert habang nasa location ng Bata Pa si Sabel.
Biniro ni Pops si Sharon na baka may pagnanasa lang sa kanya si Gabby kaya siniraan nito si Albert.
Natawa lang si Sharon at sinabi na karelasyon ni Gabby that time ang neneng-nene pa na si Janice de Belen.
"Totoo naman, but not admittedly," masayang sabi ni Mega.
"Obvious ba? Ang tagal nila. Hahaha! Alam ko naman."
Hirit pa ni Mega, kahit magkarelasyon sila ni Albert noon, hindi naman sila nagkikita. Nagkakausap lang daw sila sa telepono dahil bawal pa siyang makipagrelasyon noon.
"Ako rin naman," pasok ni Pops sa sarili. "Ang mga naging love life ko, mostly telepono. As if naman ang dami-dami kong love life."
Sabi naman ni Sharon, "Ay, happiness ko, GMA Supershow. Kasi, pupunta si Albert, magge-guest, eh, si Kuya Germs (German Moreno), parang... parang happy siya. So, after the show, ililibre niya kaming lahat ng lunch. So, 'yun lang ang time namin ni Albert. Hahaha! Kasi Viva ako, Regal siya. Hahaha!"
Second question ni Pops kay Mega ay kung sino naman ang crush niya sa Viva noon.
"Wala," mabilis na tugon ni Mega. "Yeah, wala. Later, si Rowell (Santiago) dahil naging kami. Pero 'yun lang 'yung naging Viva noon, eh. Wala namang iba, kami lang, eh."
Third question ni Pops ay kung nagkaroon si Mega ng tinatawag na "the one that got away" o TOTGA.
Inamin naman ni Sharon na meron and not only one, but two!
"Of course, meron. Actually, feeling ko, ako rin naman ang TOTGA nila."
Say naman ni Pops, "I think kung sino man ang nagsasabi noon ngayon, I think, umiiyak na siya. Hahaha!"
"Hindi. Happy naman sila," paniniyak naman ni Sharon.
So, bahala na po kayong mag-isip kung sino 'yung dalawang lalaking nakarelasyon ni Mega na hindi niya nakatuluyan pero happy sa kanilang married life ngayon.




Comments