top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Metro Manila, ready na sa GCQ — Palasyo

  • Mylene Alfonso​
  • May 28, 2020
  • 1 min read

Kumpiyansa ang Malacañang na handa na ang Metro Manila na mapaluwag pa lalo ang restrictions sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na handa na ang National Capital Region na mapasailalim sa general community quarantine (GCQ) kung saan mas maluwag ang mga panuntunan na ipinatutupad.

Ayon kay Roque, ito ay batay na rin sa datos na nakuha ng pamahalaan ngunit depende pa rin ito sa kooperasyon ng lahat.

"NCR is ready from the data that we have seen but that really depends on the cooperation of everyone,” ani Roque sa televised press briefing sa Palasyo.

“Lilinawin ko lang po, kahit ano’ng anunsiyo ng Presidente mamayang gabi, puwede tayong bumalik sa ECQ muli kung ang datos ay magpapakita na napakabilis na naman ng doubling rate," wika ng Kalihim.

Gayunman, sinabi ni Roque na sa nagdaang 70 araw, napatunayan namang sumusunod ang mga Filipino sa mga ipinatupad na community quarantine.

"The level of confidence is very high. Napatunayan ng mga Filipino na kaya nilang sumunod dahil naman, by and large, more than 70 days na tayong nagkaroon ng ECQ at MECQ at pinatunayan natin na disiplinado naman ang mga Filipino," dagdag ng opisyal.

Sa kabila ng mga pahayag na ito, sinabi ng tagapagsalita sa publiko na hintayin ang anunsiyo mamaya ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kapalaran ng Metro Manila at iba pang lugar sa June 1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page