'Di lang fans, pati mga Pinoy celebrities, nagkagulo... BIDA NG CLOY NA SI HYUN BIN, BAGONG ENDO
- Nitz Miralles
- May 28, 2020
- 2 min read

Nitz Miralles / Bida
Nagkagulo na agad ang mga fans at lalo na ang mga artista sa plugging announcement pa lang ng Bench na “Your Crush, Landing Soon” at sinundan ng “After months of keeping it a secret, the wait is almost over. #LandingOnBenchSoon.”
Nahulaan agad ng mga nakabasa sa plugging announcement na ang male lead ng hit Korean drama na Crash Landing On You na si Hyun Bin ay nakuha ng Bench na kanilang bagong endorser.
Ang request ng mga fans, sana ay kasamang kinuha ng Bench na endorser ang leading lady ni Hyun Bin sa CLOY na si Son Ye Jin para mas doble ang kanilang saya.
Sa nabasa nga naming mga comments, mas excited pa ang mga celebrities sa balitang ito at puro “OMG” ang nabasa namin kina Gabbi Garcia, Kim Chiu, Christine Babao, Winwyn Marquez, Bianca Gonzales, Michelle Dee, Karylle, Shaira Diaz at Thia Thomalla, pero pinaka-cute ang comment ni Lovi Poe na “Heart attack.”
Wala pang detalye ang announcement ng Bench kung si Hyun Bin lang ba ang kanilang kinuha o silang dalawa ni Son Ye Jin. Hindi pa rin sinasabi kung dadalhin ba nila sa bansa si Hyun Bin at kung kailan dahil may Covid-19 pa. Baka naman hintayin nilang mawala ang Covid-19 o baka via Bench socmed platform na lang ang launching sa bago o mga bagong endorsers nito.
May mga fans nang nagri-request na gawing two days sakaling may Meet and Greet, ang isang araw ay exclusive sa mga celebrities at ang isang araw ay exclusive for the fans.
Natatalo raw kasi ang mga fans ng mga celebrities sa pagkuha pa lang ng tiket at madalas ay free na nga ang tiket ng mga celebrities, sila pa ang priority.





Comments