top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

16,000 OFWs, nakauwi na sa kani-kanilang probinsiya

  • Mylene Alfonso​
  • May 28, 2020
  • 2 min read

Mahigit 16,000 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi na sa kanilang mga probinsiya ngayong linggo.

Ito ay nangangahulugan na 8,000 OFWs na lamang ang natitirang ihahatid ng pamahalaan sa kani-kanilang mga lalawigan kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin na ang stranded na 24,000 OFWs bago matapos ang Mayo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na lahat ng 16,000 OFWs na napauwi na ay negatibo lahat sa COVID-19.

Dalawang barko ang naghatid ngayong araw, Mayo 28, sa 1,200 OFWs sa Visayas at Mindanao, habang 100 mga bus ang idineploy para ihatid ang mga stranded repatriates sa Luzon.

"Naku, halos 16,000 na po — mahigit 16,000 na mga OFWs ang nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan mula nang pinag-utos po ni Presidente Duterte ang pagpapauwi ng lahat ng mga kababayan na nag-aantay ng kanilang resulta ng PCR test. Uulitin ko po, lahat po itong mahigit na 16,000 bago pinauwi, negatibo po sila sa COVID-19 PCR test," giit ni Roque.

"May dalawa pong barko na aalis ngayong araw, tag-isang libo po ang sakay niyan. Una ang MV St. Michael, The Archangel na papuntang Cebu, Dumaguete, Ozamis, Iligan, Zamboanga na may capacity na higit 800 na pasahero na may social distancing. Pangalawa ang MV St. Augustine of Hippo na bound for Cebu na kayang magsakay nang higit na 400 na pasahero na may social distancing. May tinatayang isandaang bus ang bumiyahe sa iba’t ibang destinasyon sa Luzon para ihatid ang ating mga kababayan na OFWs," dugtong pa ni Roque.

Ang mga manggagawa na hindi pa nakakatanggap ng certificate of completion ng kanilang mandatory 14-day quarantine ay puwede umanong i-check ang kanilang mga dokumento sa website ng Bureau of Quarantine.

Nabatid na ginawa ng pamahalaan ang hakbang matapos umapela ang maraming OFWs na lagpas na sa 14 araw ang inilagi nila sa quarantine facilities dahil sa tagal ng kanilang COVID-19 test results.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page