top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pananagutan ng hindi pagsauli ng nawawalang bagay sa may-ari nito

  • Persida Acosta
  • May 27, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Natagpuan ko ang aking nawawalang external hard drive na nakapatong sa desk ng officemate ko. Mahigit isang linggo na mula nang nawala ko ito dahil maiwan sa aming conference room at nagkataon na ang aking kaopisina ang pinakahuling umalis sa aming meeting noong araw na ‘yun at siya rin ang nag-lock ng nasabing kuwarto. Sigurado akong akin ‘yun dahil pareho ang casing at mayroong initials ng pangalan ko. Subalit nang kausapin ko siya tungkol dito ay nagalit siya at itinanggi niya ito. Mayroon ba siyang pananagutan sa akin? – Danielle

Dear Danielle,

Para sa inyong kaalaman, maaaring managot ang sinumang nakahanap ng nawawalang gamit at hindi ito isauli o ibalik sa may-ari o sa mga kinauukulan.

Ito ay sang-ayon sa Article 308 ng Revised Penal Code:

“Art. 308. Who are liable for theft. — Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter’s consent.

Theft is likewise committed by:

1. Any person who, having found lost property, shall fail to deliver the same to the local authorities or to its owner;” (Binigyang-diin)

Ayon sa nabanggit na probisyon, ang krimen na theft ay nagaganap hindi lamang sa pamamagitan ng sadyang pagkuha ng gamit ng ibang tao, ngunit pati na rin ang hindi pagsauli ng nawawalang bagay sa may-ari nito. Ang taong ‘yun ay maaaring makasuhan ng theft sa ilalim ng Revised Penal Code.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalam sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page