top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palad ng dalagang makatutuluyan ang ikalawang BF na mangingibang-bansa

  • Maestro Honorio Ong
  • May 27, 2020
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako na isinilang noong February 4, 1997, habang ako naman ay isinilang noong October 10, 1995. Compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan?

  2. Nakita ko sa aking palad na dalawa ang Marriage Line. Ibig sabihin ba nito, ang ikalawang boyfriend ko na ang aking makatutuluyan? Ang boyfriend ko ngayon ang ikalawang BF ko, kaso may petition siya Canada dahil naroon ang mga magulang at kapatid niya.

  3. Madalas niya akong tinatanong na kung sakaling maaprubahan ang petisyon niya, ano ang mangyayari sa amin? Kaya sa pamamagitan ninyo, gusto kong malaman kung kami ang magkatutuluyan kahit matuloy siya sa Canada? Kung oo, magkakaroon ba kami ng maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Sakto at tama ang sinasabi mo, Aira. Dalawa nga ang namataang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, dalawang beses kang makararanas ng seryoso at totohanang relasyon, ngunit dahil higit na mahaba ang ikalawang Marriage Line (arrow b.) kung ikukumpara sa unang Marriage Line (arrow a.), ito ay malinaw na tanda na ang ikalawang boyfriend mo na ang iyong makatutuluyan.

  2. Ang pag-aanalisang posibleng kayo na ang magkatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend, kahit matuloy pa siya sa Canada, madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Libra at Aquarius naman ang boyfriend mo kung saan sa Western Astrology, compatible ang Aquarius at Libra dahil kapwa sila nagtataglay ng iisang elemento – ang elementong hangin o air.

DAPAT GAWIN

Aira, ayon sa iyong mga datos, payagan mo man o hindi ang iyong boyfriend na mag-Canada o matuloy man siya o hindi, wala naman tayong magagawa sa itinakda ng kapalaran. Dahil tugma at compatible kayong dalawa sa aspetong Numerology at Astrology na kinumpirma at pinatunayan ng guhit ng iyong palad, tiyak na ang magaganap – matapos ma-petition ang iyong boyfriend patungong Canada, lilipas ang tatlo o apat na taon, ikaw naman ang mapupunta sa nasabing bansa upang kayo ang magsasama at bubuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya sa Canada (Drawing A. at B. h-h arrow c., t-t arrow d.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page