top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mababang corporate income tax, solusyon para hindi umalis ang mga foreign investors sa bansa

  • Imee R. Marcos
  • May 27, 2020
  • 2 min read

Daig ng maagap ang masipag! Totoo ang kasabihan na ‘yan, mga beshy! Kahit gaano pa kasipag ang isang tao pero kung mabagal, kulang sa diskarte at pagiging matinik, tiyak na mapag-iiwanan pa rin!

Nanghihinayang ako dahil makailang beses ko nang binanggit sa ating mga kasamahan sa gobyerno at economic managers ng bansa na bantayan ang planong paglilipat ng mga negosyo sa China sa ibang bansa dahil sa epekto ng COVID-19. At tama, ‘yan na nga ‘yung sinasabi ko, maraming aalis na negosyo sa China at naghahanap nang malilipatan.

Biruin n’yo, naglipat na ang U.S. ng mga negosyo nila sa Indonesia? Magandang pagkakataon ito sa ekonomiya ng iba pang bansa sa Southeast Asia kaya dapat samantalahin ito ng ating mga economic managers. Paano?

Mga beshy, ang diskarte riyan, kailangan may pang-akit tayo sa foreign investors tulad ng suhestiyon ko na dapat magkaroon ng mababang corporate income tax mula sa umiiral na 30% rate.

Ito ay para makasabay o kung hindi man maungusan natin ang iba pang kakumpetensiya ng ‘Pinas tulad ng Vietnam, Thailand at Indonesia na nagbabalak na magpatupad ng 20% corporate income tax sa susunod na taon. Jusko! Kung ganyan ang kanilang iniaalok tapos napakataas ng tax na io-offer natin, talagang waley mangyayari sa ‘Pinas!

Maige ring isama sa insentibo sa mga foreign investor ang pansamantalang pagsuspinde sa ibang mga buwis at pagkakaroon ng ilang exemption. Oh, ‘di ba, para mas bongga at mahihikayat silang maglipat na sa atin ng mga negosyo nila!

Pero bukod d’yan, sana, mga besh, magawan din ng paraan na mahikayat pabalik ang ilang multi-national companies na nag-pullout sa ating bansa sa nagdaang dalawang buwan dahil nga sa mga lockdown.

Kung makikita nilang bongga ang incentives na alok natin aba, eh, magsisibalik sila at ‘yung mga nandito pa na apektado ng mga community quarantine, maiiwasang magsara. Kaya plis lang, ayusin na! Kapag may investors, may trabaho, kaya agapan na ‘yan, gora na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page