top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kasamaan at kamalasan ng tao, dapat sisihin dahil sa nagaganap sa mundo?

  • Sr. Socrates Magnus II
  • May 27, 2020
  • 3 min read

Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Ngayon lang naranasan ng buong mundo ang sobrang takot. May mga nakaraang pag-atake ng salot sa mundo, pero hindi ganito ang naging sobra ang takot ng mga tao. Ito ay dahil noon, wala namang social media at hindi malawak ang komunikasyon sa buong mundo kaya hindi naibabalita ang mga tunay na nangyayari sa iba’t ibang bansa.

Kumbaga, dahil sa kakapusan ng kaalaman, takot na rin ang mga tao, pero hindi kasing takot na nararamdaman ng mga tao ngayon.

Mula noon hanggang ngayon, ang tao ay sobrang kulit at ang sinusunod lang ay ang kanilang sarili. Maaaring ito talaga ang problema dahil ang mga tao ay hindi nakikinig sa kanyang tinatawag na Diyos.

Halimbawa, kapag bumili ka ng kotse, may instruction booklet na ibibigay sa iyo ang car agent, sundin mo ito nang sa gayun ay manatiling maganda ang iyong kotse dahil kapag hindi mo ito sinunod, madaling masisira ang iyong sasakyan.

Mayroon naman kayang ibinigay na instructions si God sa tao na kanyang nilikha? Kung mayroon, dapat siguro ay sundin ito ng mga tao. Sabi ni God, “Makakain ninyo ang lahat ng may kaliskis na nabubuhay sa tubig,” dagdag pa ni God, “Huwag ninyong kakainin ang mga walang kaliskis.”

Sa mga car agents, ang bilin nila ay kailangan mong gumamit ng fuel na angkop sa sasakyan mo at kapag ibang klase ng fuel ang ginamit, alam mo na ang mangyayari rito.

Balikan natin ang instructions ni God, “Lahat ng hayop na ngumunguya at baak ang paa ay makakain ninyo.” Para mas malinaw, ang pahabol ni God ay “Huwag ninyong kakainin ang hindi ngumunguya at hindi baak.” Bukod pa rito, sinabi rin ni God, “Kung papatay kayo ng hayop o anumang may buhay, papatuluin muna ninyo ang dugo.”

Sa ngayon, mukhang hindi ito nangyayari dahil makikitang ang kinatay na manok ay hinahati-hati agad para ibenta. Noong araw, kapag nagkakatay ng manok ang matatanda, pinatutulo muna ang dugo bago hiwain at gawing ulam. Gayundin, kapag nagpapatay ng baboy, baka at kalabaw, ibinibitin muna nang matagal para makatulo ang dugo.

Malabo nang masunod ang utos ni God tungkol sa pagkain dahil ang mga tao ay inakalang sapat ang kanilang talino at kaalaman kung saan alam na nila ang lahat ng mabuti at masama.

Nakakagulat dahil ang unang kasalanan ng tao ay nag-ugat din sa pagkain. Ayon sa mga teologo, kaya nakakaranas ng paghihirap, dusa at kamalasan ang buong mundo ngayon ay dahil hindi sinunod ng unang tao ang utos ni God tungkol sa kung ano ang puwede at bawal kainin sa Garden of Eden.

Balikan natin ang tunay na senaryo sa the Garden of Eden. Tinukso ni Satan ang unang tao. Sabi ng manunukso, hindi totoo ang sinabi na kapag kinain ninyo ang bawal kainin, kayo ay mamatay.

Namatay ba ang unang tao nang kanyang kainin ang bawal kainin? Sinabi pa ni Satan, kapag kinain ninyo ang bawal kainin, magiging parang Diyos kayo at malalaman ninyo ang mabuti at masama. Totoo nga ba ang sinabi ni Satan?

Sabi pa ni Satan, “Sige na, kainin na ninyo ang bawal kainin. Kapag kinain ninyo, madidilat ang inyong mga mata sa katotohanan.” Totoo rin kaya ‘yun?

Sadya yatang kasamaan at kamalasan ng tao ay laging nag-uugat sa kung ano ang kanyang kinakain o kakainin.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page