top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Mayo 27, 2020 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • May 27, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 27, 2020 (Miyerkules): Kabilang ka sa mga hahawak ng yaman. Para mapanatili mong hawak ito, isabuhay mo ang pagiging masinop sa lahat ng pagkakataon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating kung kailan malaya mo nang magagawa ang mga bagay na mas magpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Inisip mo na kulang ang lakas ng loob mo para mapaganda ang buhay mo kapag wala na ang utos na bawal lumabas ng bahay. Nasa isip mo lang ito dahil hindi ito mangyayari sa reyalidad. Masuwerteng kulay-purple.

GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ang gulong ng iyong kapalaran. Kapag gusto mong bumilis ang ikot, nasa iyo ‘yan, kapag gusto mong bumagal, puwede rin. Ang hindi mo lang kaya ay ang ihinto pag-ikot. Masuwerteng kulay-pink.

CANCER (June 21-July 22) - Ngayong nalalapit nang magbalik ang kalayaan ng mga tao, saka ka nakikitang ninenerbiyos dahil inaakala mong ikaw ay mahina. Hindi ito totoo dahil mas malakas ka kaysa sa iba. Masuwerteng kulay-beige.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang huminto na magdagdag ng kaalaman dahil ang buhay mo ay hindi hihinto na turuan ka ng mga bago at kakaibang diskarte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Biglaan kang tumapang at naduwag. Huwag mong hayaan na ang buhay mo ay maging pabigla-bigla. Kontrolin mo ang bawat sitwasyon dahil ito ang susi ng mga nagsiyaman na. Masuwerteng kulay-black.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang nag-aabang sa iyong paglabas. Ang iba ay gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay, habang ang iba naman ay makita ka lang o matanaw kahit sandali, sisigla na ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-violet.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magugulat ka dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap dahil bawal lumabas, nabawasan ang iyong kabuhayan pero hindi tulad ng kinatakutan mong ito ay mauubos nang sagad. Masuwerteng kulay-peach.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Matatawa ka sa mga kuwento na iyong maririnig at hindi ka makapaniniwala. Marami sa mga nasa hanay ng mahihirap ang nakakuha ng ayuda na aabot pa ng ilang buwan. Masuwerteng kulay-red.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag sanay sa hirap, hindi na nahihirapan kaya ang nahirapan lang sa utos na huwag lalabas ng bahay ay ang mga latwaksera at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-brown.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon pa lang, ikaw ang makikitang may kakaibang sigla at saya dahil ang laman ng isip mo ay ang mga araw na ang lahat ay malaya at kahit saan ay puwedeng pumunta. Masuwerteng kulay-white.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na napakaraming suwerte ang naghihintay sa iyo pagkatapos ng lockdown. Para ‘di masayang at hindi ka magsisi, isabuhay mo ang pagmamahal sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-green.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page