HEART, UMAMING NA-BULLY KAYA TUMIGIL SA PAG-AARAL
- Erlinda Rapadas
- May 27, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Masuwerte ang sikat na local vlogger na si Mimiyuuuh dahil nakilala at naging kaibigan niya ang Kapuso actress na si Heart Evangelista at naging parte pa ang aktres ng kanyang ginawang vlog.
One year pa lang na nagba-vlog si Mimiyuuuh pero nag-trending nang husto at nakakuha ng milyun-milyong followers.
Kahit na madalas siyang nabu-bully noon dahil sa malalaki niyang ngipin at pagiging gay, hindi dahilan ito upang siya ay ma-intimidate at ma-insecure. Pinairal niya ang pagmamahal sa sarili upang makaangat sa buhay.
Kahit na binu-bully siya at tinatawag na pangit ay nagsikap siya upang mapansin at iangat ang sarili. Pinakasikat na nga si Mimiyuuuh sa mga vloggers ngayon at kaliga niya si Alex Gonzaga.
Si Heart Evangelista ang idol niya sa kanyang pagiging fashionista at umamin naman si Heart na tulad ni Mimiyuuuh, siya man ay na-bully din noong teen-ager pa lamang at estudyante.
Kulang kasi si Heart sa height at medyo plain looking pa kaya madalas siyang ma-bully sa kanilang school at ito ang dahilan kaya tumigil siya sa pag-aaral at nag-artista na lang.
Pero, nagsikap naman siya na maging fashionista kaya marami pa rin siyang nai-inspire.





Comments