top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

SolGen Calida, 'di lalahok sa pagdinig ng Kamara sa ABS-CBN franchise

  • V. Reyes
  • May 26, 2020
  • 1 min read

Iginiit ni Solicitor General Jose Calida ang tinatawag na subjudice rule o ang pagbabawal na mapag-usapan ang isyu na nakasalang sa korte kaya't hindi siya makadadalo o makikilahok sa pagdinig ngayong araw kaugnay ng franchise renewal ng ABS-CBN corporation.

Sa dalawang pahinang liham ni Calida kay House Committee on Legislative Franchises Chairman Rep. Franz Alvarez, sinabi nito na hindi siya pinahihintulutan na magbahagi ng kanyang pananaw at rekomendasyon sa merito ng usapin dahil sa nakasalang ito sa Korte Suprema.

Tinukoy ni Calida ang naunang inihain na petition for Quo Warranto ng kanyang tanggapan sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa validity at renewal ng legislative franchise ng ABS-CBN.

Bukod dito, si Calida rin ang kumakatawan para sa National Telecommunications Commission sa inihain na petition for certiorari and prohibition ng ABS-CBN sa Korte Suprema sa layong kontrahin ang cease and desist order na ipinalabas ng NTC laban sa network.

Itinakda ng komite mamayang ala-1:00 ng hapon ang pagdinig sa mga panukalang batas na layong mabigyan ng 25-taong prangkisa ang broadcast network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page