top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Duterte, kung hindi inuna ang problema sa visa noon ni Sen. “Bato”, baka naipanalo agad ang laban

  • Pabs Hernandez III
  • May 26, 2020
  • 2 min read

KUNG NAKINIG SI P-DUTERTE KAY VP LENI NOON, BAKA NAPAGTAGUMPAYAN AGAD NG BANSA ANG LABAN KONTRA COVID-19—Nang i-lockdown ng China ang Wuhan City noong Enero 23, 2020, agad sinuspinde ng Taiwan at Vietnam ang mga flights sa China.

Kasabay nito ay nanawagan si VP Leni Robredo sa Duterte gov’t. na umaksiyon na sa banta ng COVID-19, pero dedma lang ito kay P-Duterte dahil ang pokus nito ay ang pambabanat sa United States (US) na kinansela ang visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Kung nakinig lang sana si P-Duterte sa panagawan ni VP Leni, baka ang Pilipinas ay tulad ng Taiwan at Vietnam na napagtagumpayan ang laban sa virus, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MGA OPISYAL NG DOLE, OWWA AT DOH, DAPAT PAGSISIBAKIN NA NI P-DUTERTE—Binalaan ni P-Duterte ang mga opisyal ng Dept. of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Dept. of Health (DOH) na malilintikan ang mga ito kapag sa loob ng isang linggo ay hindi napauwi sa kanilang mga probinsiya ang 24,000 OFW na mahigit dalawang buwan nang nakatambay sa mga quarantine area at dahil d’yan ay halos magkandarapa sa pag-aksiyon ang mga opisyal ng DOLE, OWWA at DOH.

‘Sus, ang dapat sa kanila ay pagsisibakin na ni P-Duterte kasi walang kusang palo ang mga ito, boom!

◘◘◘

SALUDO ANG PUBLIKO SA NBI KASI HINDI ANDAP SA DDS—Matapos i-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mocha Uson tungkol sa fake news at dakpin ang manraraket na si Norman Mangusin aka Francis Leo Marcos na idol ng mga DDS, inimbitahan din ng NBI si Nhiel John Abellano, DDS na nag-post sa social media ng pagbabanta kina Angel Locsin, Kim Chiu at Coco Martin.

Saludo ang publiko sa aksyon ng NBI kasi pinatunayan nila sa taumbayan na hindi sila andap sa mga DDS, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

MGA KUBRADOR NG SWERTES SA SAMAR AT LEYTE, MAY QUARANTINE PASS?—Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang raket na swertes ni “Pacoy” sa Northern Samar at Leyte.

Ang tanong: May quarantine pass kaya mga kubrador ni “Pacoy” sa kanyang illegal gambling para raketin ang mga residente sa dalawang lalawigang ito?

‘Yan ang dapat imbestigahan nina Northern Samar PNP Director, Col. Reynaldo dela Cruz at Leyte PNP Office Director, Col. Rodelio Samson, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page