top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit si Sam na ang BF ng ex-GF... PIKTYUR NILA NI CATRIONA, 'DI PA RIN BINUBURA NI CLINT SA IG

  • Nitz Miralles
  • May 26, 2020
  • 2 min read

Nitz Miralles / Bida

Totoo nga ang tsika na kahit break na sila at kahit may Sam Milby na ang ex-GF niyang si Catriona Gray, hindi pa rin dini-delete ni Clint Bondad ang solo photos ng beauty queen at maging ang mga photos nilang magkasama sa kanyang Instagram account. The last time we checked, nandu’n pa rin ang mga litrato nila ni Catriona.

Pati ang mga photos kung saan isinelebreyt nila ang kanilang 6th anniversary, nasa IG pa rin ni Clint at part pa ng caption ni Clint, “@catriona_gray you have given me an amazing 6 years. You supported me literally in my weakest moments but also kept me from being a complete idiot. You are the woman that a kind of man like me needs, strong, viciously intelligent and not afraid to speak up.”

Mababasa rin ang comments ng shippers nina Catriona at Clint na nanghihinayang sa nangyari sa kanilang relasyon at parang sila ang nawalan ng dyowa dahil mas malungkot pa yata kay Clint.

May mga nagtampo rin kay Catriona, in-unfollow siya at si Clint na lang ang kanilang pina-follow.

Samantala, sa Facebook Live streaming to celebrate Sam’s 36th birthday last May 23, sinorpresa siya ni Catriona ng isang birthday message na “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead, More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many.”

Sabi ng mga nakapanood, nagulat si Sam sa message ni Catriona at kitang kinilig nang husto at sa sobrang kilig, matagal bago nakapag-react.

Ang reaction ni Sam, “Basta I'm kilig sa message, super-kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na magme-message. Thank you. Yes, you are very special. Very special.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page