Fire Dragon, suwerte sa love life pero mas masuwerte ang mga lalaki dahil makararanas ng romansa kah
- Maestro Honorio Ong
- May 26, 2020
- 2 min read

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Dragon ngayong Year of the Metal Rat.
Tandaang ayon sa taglay na elemento, may limang uri ng Dragon at ito ay ang mga sumusunod:
Earth Dragon o Lupang Dragon - silang mga isinilang noong 1928 at 1988
Gold o Metal Dragon, na tinatawag ding Gintong Dragon - silang mga isinilang noong 1940 at 2000
Water Dragon o Tubig na Dragon - silang mga isinilang noong 1952 at 2012
Wood Dragon o Kahoy na Dragon - silang mga isinilang noong 1904 at 1964
Fire Dragon o Apoy na Dragon - silang mga isinilang noong 1916 at 1976
Tapos na nating talakayin ang kapalaran ng Earth, Metal, Water at Wood Dragon, kaya sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa huling uri ng Dragon at ito ay ang Fire Dragon o Apoy na Dragon.
Ngayong 2020, tuluy-tuloy na magiging maayos ang takbo ng iyong career at aspetong pangkabuhayan. Bagama’t may bahagyang nagiging problema sanhi ng Covid-19, umasa kang paglipas ng pandemya, balik ulit sa normal ang pamumuhay sa tulad mong Fire Dragon. Mas maraming oportunindad ng pagkakakitaan ang mabubuksan sa iyo, basta ang mahalaga, dobleng pagsisipag ang iyong pairalin upang kahit may problema ang buong mundo, tuluy-tuloy pa rin ang pag-asenso at pag-unlad mo.
Ito rin ang panahon na magbabago ang iyong simula at ang sigla ng iyong buhay sa aspetong career at propesyon, gayundin, may babala na tuluy-tuloy nang lalago at darami ang kinikita pagkatapos ng Covid-19. Sa sandaling naramdaman mong kumikita ka ulit ng malalaking halaga, ‘wag mong kalilimiutang mag-ipon para lalo pang dumami ang iyong savings para sa future. Pero hindi ka puwedeng mag-invest o magdagdag ng puhunan sa dati nang hindi kumikitang negosyo dahil may posibilidad na malulugi ka lamang. Nguit maaari ka namang magbukas ng panibagong negosyo kung ito ay may kaugnayan sa essential products at mas mainam kung wala kang kasosyo. Sa halip, ikaw at ang pamilya mo ang magsisikap upang madali ninyong mapalago ang nasabing business.
Dahil lubhang gaganda at lalago ang aspetong pang-kabuhayan at career, ingatan mo ang mga taong maninira at maiinggit sa iyo dahil kapag hindi mo sila naingatan, napahinto o na-eliminate, maaaring sila ang pagsimulan ng malaki mong problema sa business at pagkakaperahan.
Sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, bagama’t parehong higit na magiging maligaya ang Fire Dragon sa taong ito, ang pagkakaiba lang nila, kahit hindi gaanong kumilos o pumorma ang lalaking Fire Dragon, kusa silang lalapitan ng masarap na romansa, habang ang babaeng Fire Dragon naman ay kailangang magpapasnin pa upang makadama ng masaya at masarap na romansa. Pero sa pangkalahatan, ang lalaki at babaeng Fire Dragon ay kapwa naman susuwertehin sa pakikipagrelasyon sa buong singkad ng Year of the Metal Rat, higit lalo sa huling hati ng taon.
Sa mga may asawa at karelasyon na, iminumungkahing lalo ninyong patatagin at pagsiglahin ang inyong relasyon sa pamamagitan ng dagdag na pagkalinga at lamibingan, ganundin ng dagdag na pang-unawa at pagpapaumanhin dahil habang nagmamahalan at habang may kasama o may umaalalay at nagmamahal sa Fire Dragon na ito, lalo namang gaganda ang kanyang kapalaran na madadala at lalo niya pang mapalalago ang mga suwerteng ito sa 2021.
Itutuloy




Comments