Alamin: Dahilan kung bakit nagkakaroon ng kaser sa baga ang mga taong hindi naninigarilyo
- Shane Ludovice
- May 26, 2020
- 2 min read
Dear Doc. Shane,
Mayroong kaser sa baga ang nanay ko na edad 63. Stage 3 na ito nang na-diagnose at dumaan sa maraming chemo at radiation. Ngayon ay kumalat na ang kanser sa kanyang utak at hindi na namin alam kung ano ang gagawin namin. Hindi siya naninigarilyo, gayundin ang tatay ko kaya hindi namin alam kung paano siya nagkasakit. - Palermo
Sagot
Sa lahat ng mga uri ng kanser, ang kanser sa baga (lung cancer) ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy. Ayon sa datos, tatlo sa sampung Pinoy ay naninigarilyo, kaya naman maraming naaapektuhan ng sakit na ito.

Gayunman, maging ang mga taong hindi naninigarilyo ay posible ring magkaroon ng kanser sa baga.
Mga sanhi:
Paninigarilyo. Ang patuloy na paninigarilyo ay unti-unting pinipinsala ang mga baga hanggang sa magdulot ng cancer.
Paglanghap ng usok ng sigarilyo. Maging ang mga taong hindi naninigarilyo ay hindi ligtas sa sakit na ito. Kung may kasamang naninigarilyo sa bahay, iminumungkahi na lumayo rito at magtakip ng ilong.
Radon gas. Ito ay madalas na nalalanghap ng mga taong naninirahan malapit sa minahan. Ang gas na ito ay walang amoy, kaya ito ay sobrang delikado. Sa patuloy na paglanghap nito ay maaaring mapinsala ang malulusog na cells ng baga at magdulot ng kanser sa baga.
Maruming hangin. Maaari ring magkaroon ng kanser sa baga kapag napapadalas ang paglanghap ng maruming hangin. Ang naaapektuhan nito ay ang mga taong naninirahan sa mga lungsod sapagkat maraming mga sasakyan sa mga lugar na ito ang nagpapakawala ng maruruming usok.
Iba pang karamdaman sa baga. Ang pagkakaroon ng ibang karamdaman sa baga tulad ng hika, bronchitis o chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay maaari ring magdulot ng kanser sa baga.
Medical history ng pamilya. Kung ang ilan sa mga kamag-anak ay mayroon o nagkaroon na dati ng kanser sa baga, malaki ang posibilidad mong magkaroon nito.
Pag-iwas:
Huwag manigarilyo
Ugaliin ang pagtakip ng ilong habang naglalakbay
Magsuot ng face mask habang nasa labas ng bahay o opisina
Kumain ng maraming prutas at gulay
Mag-ehersisyo





Comments