Palad ng binatang pangarap mag-abroad, ‘di pa matutupad dahil sa maliit na Travel Line
- Maestro Honorio Ong
- May 25, 2020
- 2 min read

KATANUNGAN
Nakatapos ako ng high school sa aming probinsiya at sa kagustuhan kong mapunta ng Maynila, namasukan akong hardinero sa isang mayamang pamilya. Kaya lang, bukod sa masungit ang naging amo ko, masyadong maliit ang kanilang pasuweldo. Kasama ng kaibigan kong katulong din sa nasabing bahay, sinubukan naming tumakas at nag-apply sa iba.
Sa ngayon, nandito ako sa isang bakery at nag-aaral mag-bake ng sari-saring mga tinapay. Aasenso kaya ako sa gawaing ito?
Pangarap ko ring mag-abroad, kaya gusto kong malaman kung may Travel Line sa aking palad at kung may pag-asa akong makapag-abroad? Tungkol naman sa love life, wala pa rin akong girlfriend, kailan ako magkaka-girlfriend?
KASAGUTAN
May maliit na Guhit ng Paglalakbay o Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) na namataan sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, dahil hindi kahabaan ang nabanggit na guhit ang kailangan ay dagdag na tiyaga at pagsisikap na makapangibang-bansa upang ang nasabing Travel Line (arrow a.) ay humaba, luminaw at lumawak ang sakop.
Sa matuling salita, kailangan pagsikapan mong mabuti ang binabalak na pag-a-apply sa abroad upang matuloy ka at para mas madaling gumanda ang iyong kapalaran sa pangingibang-bansa. Sakaling naroon ka na, dapat mo rin namang lakihan ang pagkakasulat ng sobrang liit mong lagda.
Hinggil naman sa pakikipagrelasyon, pansining sadyang malayo ang pagkakatubo o paglitaw ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung 27 years old ka ngayon, mid-30s ka pa posibleng magkaroon ng girlfriend at ang nasabing first girlfriend ang tuluyan mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maunlad at masayang pamilya kung saan ang nasabing babae, ayon naman sa zodiac sign mong Sagittarius ay nagtataglay ng zodiac sign na Aries.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Daren, tama ang ginagawa mo na magtiis-tiis muna sa iyong amo at mag-aral kang mabuti ng pagmamasa o pagbe-bake ng mga tinapay, sapagkat nakatakda na ang magaganap. Sa 2022 sa edad mong 29 hanggang 30 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.




Comments