top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga pekeng ID ng IATF, buking sa Recto University

  • Mylene Alfonso
  • May 25, 2020
  • 1 min read

Arestado ang pito na katao matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 4 sa pagawaan ng mga pekeng Identification Card ng Department of Trade and Industry- Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (DTI-IATF) kahapon sa Recto Avenue sa Maynila.

Ayon kay kay PLt. Col. John Guiagi, station commander ng MPD-PS 4 , isinasailalim pa sa imbestigasyon ang mga naarestong suspek na naaktuhang nag-iimprenta ng mga pekeng DTI-IATF ID.

Ala-1:00 ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ni Guiagi ang ilang establisimyento matapos makatanggap ng report na nag-iimprenta ng mga pekeng ID ng IATF.

Nabatid na binebenta umano ng tig-P350 ang mga pekeng ID na ginagawa sa tinaguriang Recto University.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page