30,000 COVID-19 test kada araw, naabot na ng 'Pinas
- Mylene Alfonso
- May 25, 2020
- 1 min read

Naabot na umano ng Pilipinas ang testing capacity target na 30,000 bawat araw.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque kung saan nasa 32,100 RT-PCR tests ang naisagawa noong Mayo 20.
"Naabot na po natin ang 30,000 PCR tests per day. Ang original target po ay 30,000 by May 30 pero nu'ng Mayo 20 po, nakaabot na po tayo sa 32,100 tests per day. Nalampasan po natin ang ating target,” sabi ni Roque sa Laging Handa public briefing.
Giit ni Roque na target ng gobyerno na magkaroon ng 66 COVID-19 testing laboratories sa bansa bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Nabatid na mahigit 272,000 indibidwal na ang sumailalim sa COVID-19 test base sa online tracker ng Department of Health.
Una nang inihayag ng Kalihim na plano ng pamahalaan na isailalim sa COVID-19 test ang 2 porsiyento ng populasyon ng bansa upang masuri ang lawak ng epekto ng COVID-19 outbreak sa bansa.





Comments