top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MAINE, MUKHA LANG JOLOGS AT GAME SA LAHAT PERO AMINADONG SOBRANG MASELAN

  • Erlinda Rapadas
  • May 24, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Sa paningin ng lahat, ang sumikat nang husto bilang si Yaya Dub na si Maine Mendoza ay jologs at walang arte sa katawan. ‘Yung tipo ng tao na puwede mong isabak kahit saan at kakain ng kahit ano na tulad ng kanyang mga ordinaryong tagahanga.

Pero ibinuking ng Dubsmash Queen ang kanyang sarili nang aminin na may pagka-OC siya at takot na takot sa mga mikrobyo. Kaya, madalas ay nag-a-alcohol siya kahit saan magpunta.

Sobra rin daw siyang obsessed sa wet wipes kaya meron siya ng lahat ng klase nito at maging ng dry toilet tissues.

Mahilig din si Maine Mendoza na magpa-massage at magpa-manicure at pedicure kaya pangarap niyang magtayo ng beauty salon business.

Isa pang trait ng Dubsmash Queen ay kuripot siya sa kanyang sarili. Mas gusto niyang gumastos para sa mga taong mahal niya, mga kaibigan at pamilya.

Kapag naman pelikula, gustung-gusto niya ang mga local comedy movies. Hindi niya type ang mga sci-fi movies o fantasy films at wala siyang napanood na anumang Marvel heroes movie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page