top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

IRR ng "Doble Plaka Law", inilabas na ng LTO

  • V. Reyes​
  • May 24, 2020
  • 1 min read

Photo courtesy: motopinas.com

Inilabas na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga regulasyon patungkol sa inamyendahang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Law na kilala rin sa tawag na "Doble Plaka Law".

Narito ang bagong implementing rules and regulation (IRR) ng LTO:

  1. Inoobliga ang mga rider na gumamit ng decal number plates na may sukat na 135 mm lapad at 85 mm haba sa harap ng motorsiklo, habang sa likod naman ay plakang may sukat na 235 mm lapad at 135 mm haba.

  2. Kailangang nababasa ang nakasulat sa plaka kahit sa layong 15 metro.

  3. Ang motorsiklo na hindi mabasa ang license plate o walang plaka ay pagmumultahin ang may-ari nito ng P50,000 hanggang P100,000. Mai-impound din ang motorsiklo.

  4. Ang mga may-ari na hindi agad naiparehistro ang motorsiklo sa loob ng 5 araw mula nang bilhin ang yunit ay magmumulta ng P20,000 hanggang P50,000. Maaaring maharap din sa parusang pagkakakulong.

  5. Ang mga may-ari ng motorsiklo na hindi ipababatid sa mga awtoridad kung nawala o ninakaw ang kanilang sasakyan sa loob ng 24 oras ay magmumulta ng P20,000 hanggang P50,000.

  6. Ang mga mamemeke ng plaka ay may multang P50,000 hanggang P100,000.

Matatandaang noong Marso 8, 2020 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page