top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bike lane sa edsa, inihahanda na — MMDA

  • V. Reyes
  • May 24, 2020
  • 1 min read

Sinimulan na ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng itinalagang bike lane sa EDSA sa harap ng ipatutupad na "new normal" dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019.

Nilagyan na ng traffic cones sa bahagi ng EDSA mula sa kanto ng White Plains Avenue hanggang sa kanto ng Colonel Bonny Serrano Avenue na magsisilbing harang para sa bike lane.

Ayon kay MMDA EDSA traffic czar Bong Nebrija, gagawin nitong segments o baha-bahagi ang paglalagay ng bike lanes.

Ang hakbang ng MMDA ay tugon sa mga grupong nagtutulak na maglagay ng protektadong bike lanes sa EDSA at sa iba pang lansangan ng Metro Manila.

Sa gitna ng pag-iral ng new normal, inaasahan nang magiging limitado pa rin ang pampublikong transportasyon dahil sa mahigpit na implementasyon ng physical distancing.

Hinimok ni Nebrija ang mga biker na magsuot pa rin ng protective gear para sa kanilang kaligtasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page