top of page

Orasyon, dapat gawin sa tamang oras para lumakas ang loob at makontrol ang kapalaran

  • Maestro Honorio Ong
  • May 23, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. Nakatakda rin ba sa kapalaran ko ang mag-abroad? Gusto kong maiahon sa kahirapan ang aking pamilya, kaya lang undergraduate ako sa kursong engineering. Kaya madalas, kapag nag-a-apply ako ay nauunahan ako ng panghihina ng loob.

  2. Bago magkaroon ng COVID-19 ay nag-a-apply na ako sa mga agency. Makapag-a-abroad ba ako, kung oo, kailan ito mangyayari?

  3. Paano lalakas ang loob ng tao, baka may alam kang orasyon na dapat gawin?

Kasagutan

  1. Sa anumang gawain o larangan, kahit sa panliligaw, kapag lagi kang panghihinaan ng loob, walang mangyayari sa buhay mo. Kapag mahina ang iyong loob, halimbawa sa panliligaw, malamang na tumanda kang binata at hindi makatikim na magkaroon ng sariling pamilya.

  2. Upang lumakas ang iyong loob sa panliligaw o pag-a-apply ng trabaho, sa gabi bago ka matulog, humarap ka salamin at titigan mo ang iyong sarili at usalin ng tatlong beses ang ganitong kataga: “Hawak ko ngayon ang aking kalooban, ako. Ang panginoon ng sarili kong kagustuhan. Hawak ko ngayon ang aking damdamin. Ako’y mananaig at kapag ako ang nanaig, mahahawakan ko aking kapalaran. Ang kapalaran ko ay ang umunlad, sumagana, lumigaya at habambuhay na yumaman.” Tapos isunod mo ang pampasuwerteng mantra na: “Aum-Pad-Me-Om-Jai-Guro-Devah-Om.” Gawin mo ang orasyong nabanggit ng lihim na lihim lang sa loob ng 99 days. Makikita mo, magkakaroon ng malaking pagbabago ang iyong buhay.

  3. Samantala, kapansin-pansing pareho namang may malinaw, mahaba at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, nakatakda na sa iyong kapalaran ang makapag-abroad, ang nagiging hadlang na lang ay ang pagsasama ng higit sa isang pulgada ng Head Line (H-H arrow b.) at Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda, may takot at kaduwagan sa panloob mong katauhan kung saan nagpapatunay din ang “mahabang pagsasama ng Life Line at Head Line” (arrow b.) ng panghihina ng loob na kinumpirma ng zodiac sign mong Cancer.

  4. Upang masolusyunan ang panghihina ng loob, una, sundin mo ang self-hypnosis o auto-suggestion na itinuro na sa itaas. Pangalawa, dapat kang magsasama, makipag-kuwentuhan, umaso-aso o humingi ng advice sa mga positibong tao na nagtataglay ng strong number na 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 9, 17 at 27 dahil sila ang mga taong magtutulak upang lumakas ang iyong loob. Kapag lumakas na ang iyong loob, kahit sabihin pang undergraduate ka, sa panahong inilaan ng kapalaran, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Mga Dapat Gawin

  1. Maraming yunmaman na hindi nakatapos ng pag-aaral. Minsan, hindi naman edukasyon ang tunay na susi upang ikaw ay lumigaya at magtagumpay sa iypong pangarap. Bagkus, ang tunay na susi ay ang tiwala sa sarili at pagiging buo ng iyong loob na ikaw ay magtatagumpay.

  2. Ito ang dapat mong pairalin sa araw-araw ng iyong buhay, Mr. Cancer. Magtiwala ka sa iyong sarili at makikita mo, kapag ganap nang nabuo ang iyong loob, ayon sa iyong mga datos, sa 2021 at kapag maayos na ang lahat, sa edad mong 29 pataas, mahahawakan mo na ang iyong kapalaran, mananaig ang iyong kalooban, matutupad ang iyong mga pangarap kung saan makapag-a-abroad ka, uunlad, magiging maligaya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page