top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga Pinoy, wa’ paki sa sinibak na OCD official kasi si Gen. Sinas ang gusto nilang masibak

  • Pabs Hernandez III
  • May 23, 2020
  • 2 min read

MAYOR SARA, KAYA PALA HINDI NAKIKI-JOIN SA PANAWAGANG MASS TESTING, MASS GRAVE PALA ANG PINAGHANDAAN—Sa panahong nananawagan ang publiko sa kasalukuyang gobyerno na magsagawa ng mass testing, inanunsiyo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may preparadong “mass grave” na ang kanilang lokal na pamahalaan para sa mga mamamatay sa COVID-19.

Naku, kaya pala hindi nakiki-join si Mayor Sara sa panagawang mass testing kasi ang pinaghandaan nito ay “mass grave” para sa mga matotodas sa virus, boom!

◘◘◘

HINDI LAHAT NG PINOY AY PUWEDENG MAG-MASS TESTING—Para sa kaalaman ng publiko, ang mass testing ay para lamang sa mga residente sa isang komunidad na may nagpositibo sa virus at mga manggagawa na balik-trabaho.

Kumbaga, parang mass wedding sa isang bayan, na hindi lahat ng residente sa isang bayan ay ikakasal.

Ang sistema ng gobyerno ay pamilya lang ng nag-positive sa virus ang tini-test, at sa parte naman ng mga mangagawa, ipinauubaya na sa mga kumpanya ang gastos sa COVID-19 test kahit may nakalaan namang pondo ang pamahalaan sa mass testing, buwisit!

◘◘◘

SI GEN. SINAS ANG GUSTO NG PUBLIKO NA MASIBAK, HINDI ANG OCD OFFICIAL—Kung dati ay natutuwa ang publiko kapag may sinisibak si P-Duterte na opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian o pabaya sa tungkulin, ngayon ay hindi na.

Tulad nang pagsibak ni P-Duterte kay OCD Deputy Administrator Kristoffer Purisima, hindi natuwa ang publiko sa balitang ‘yan kasi hindi siya ang gusto ng taumbayan na masibak, kundi si NCRPO Director. Gen. Debold Sinas, he-he-he!

◘◘◘

TUMPAK ANG SURVEY NG SWS KASI TOTOONG MARAMING NAGUTOM SA PANAHON NG KRISIS—Base sa inilabas na survey ng SWS ay maraming Pinoy ang nakaranas ng gutom sa panahon ng krisis dulot ng COVID1-19 pandemic.

Tumpak ang survey na ‘yan ng SWS kasi hindi lang maralita ang nakaranas ng gutom sa panahon ng krisis, kundi pati ang mga middle class, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page