Health Sec. Duque, mag-resign na lang kung ‘di marunong bumasa ng datos, period!
- Ka Ambo
- May 23, 2020
- 1 min read
Dalawang “usec” ang magkasabay na nawala sa gabinete.
Napangisi si Gen. Sinas!
◘◘◘
NAGDEDEBATE ang task force sa una at ikalawang “wave”.
Kutusan ko kaya ang mga ito?
He-he-he!
◘◘◘
KAKAUNTI ang nakakaunawa sa COVID-19.
Kasama na ang mga taga-Malakanyang!
◘◘◘
NASA kustodiya na ng NBI si Francis Leo Marcos.
Baka ‘pag pinasuka siya, “noodles at sardinas” ang kanyang iluluwa?
◘◘◘
PEKE raw ang “mayaman challenge”.
‘Yung mga “nakisabay”—hindi totoong mayayaman.
Nagyayaman-yamanan lang din!
◘◘◘
HINDI malinaw kung dinalaw ng isang alyas Romy Diaz ang isang alyas Marcos.
Baka kasi madamay siya?
◘◘◘
MARAMI nang dating naghihirap sa ‘Pinas.
Nang mamigay ang gobyerno—naambunan sila!
◘◘◘
MALI ang pamimigay ng ayuda ng gobyerno.
Dapat ay inireserba ito sa “second wave”.
Dapat patalsikin si Health Sec. Francisco Duque III.
Hindi siya marunong magbasa ng “datos”!
◘◘◘
KATAKUT-TAKOT ang magsasaradong negosyo.
Milyun-milyon ang walang Noche Buena ngayong Pasko!
◘◘◘
PATOK ang online selling.
Kahit bulok na produkto naipade-deliver!
◘◘◘
PERO klik na trabaho ang “delivery boy”.
Sila ang “bagong industriya”!
◘◘◘
MALINAW din na tumatabo ang mga motorcycle traders.
Sila lang ang kumikita!
◘◘◘
PAGPASOK ng tag-ulan, ubos na ang relief goods ng gobyerno.
‘Yan na mismo ang krisis!





Comments