97 bangkay narekober mula sa bumagsak na Pakistan plane
- BRT
- May 23, 2020
- 1 min read

Pumalo sa 97 katao ang nasawi makaraang bumagsak ang isang eroplano sa Karachi, Pakistan.
Bumagsak ang eroplano ng Pakistan International Airlines (PIA) sa isang residential area sa Karachi.
Kaugnay nito, nasira ang ilang kabahayan at gusali sa nasabing lugar.
Ayon sa Sindh Health Ministry, narekober sa crash site ang mga labi ng mga nasawing pasahero at crew ng eroplano kung saan, 19 rito ang nakilala na.
Nananatiling sarado ang pinangyarihan ng insidente para sa isinasagawang rescue operation.





Comments