top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Walang sibakan at balasahang mangyayari kahit malinaw na lumabag sa batas si Gen. Sinas, tsk!

  • Korina Sanchez
  • May 22, 2020
  • 2 min read

Ayon sa nakasaksi ng insidente ng pamamaril kay Winston Ragos, wala umanong baril ang dating sundalo na may post traumatic stress syndrome.

Dalawang beses umano itong binaril ni Police Master Sergeant Daniel Florendo, Jr. matapos makipag-argumento sa mga pulis na nakabantay sa checkpoint. Ayon sa mga pulis, tila bubunot ng baril si Ragos kaya ito inunahan at binaril.

May nakita umanong baril sa kanyang bag na ibinato ni Ragos bago siya tumumba. Sa mga kumalat na video, makikitang matagal nakataas ang mga kamay ni Ragos. Kung apat o lima silang pulis sa insidente, bakit hindi na lang nila inaresto?

Ang direksiyon umano ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na hiningi rin ng Philippine Army ay walang baril si Ragos at tila itinanim lamang ang anumang baril na nakita ng mga pulis sa mga gamit nito.

Giniit naman ng NBI, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon, ngunit malaya si Florendo at ibinalik sa serbisyo dahil kailangan pa ng karagdagang imbestigasyon mula sa PNP.

◘◘◘

Tungkol naman kay NCRPO Chief Maj. Gen. Debold Sinas at ang “mañanita” na ginanap habang nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine o ECQ ang Metro Manila, sinampahan na siya ng kasong kriminal kabilang ang 18 opisyal.

Sa kabila nito ay hindi siya pinagbitiw at hindi rin siya binalasa. Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang may utos na huwag sibakin o ilipat ang heneral.

Marahil, ito ang dahilan kaya malakas ang loob ng mga pulis ngayon, kahit kuwestiyonable ang kanilang mga ginagawa.

Sa kaso ni Florendo, may hinala na armado si Ragos at sa kaso ni Sinas, malinaw na bawal ang mass gatherings habang may quarantine. Maraming inaresto dahil sa paglalabag umano sa quarantine kahit mag-isa lang silang naglalakad kaya kung uusad ang mga kaso laban kina Master Sgt. Florendo at Maj. Gen. Sinas, baka masabi nating patas pa rin ang batas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page