top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Mayo 22, 2020 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • May 22, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 22, 2020 (Biyernes): Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Ang tutukan mo ay ang iyong malalaking ambisyon na mapasasaiyo dahil ang mga ito ay aayunan ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mong simple ang buhay mo. Kung ano ang magaan para sa iyo, ‘yun ang gawin mo. Ang bagay na matagal gawin at nangangailangan ng maraming kondisyon ay iyong balewalain. Masuwerteng kulay-peach.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukupas ang ganda ng mga bulaklak dahil dito sa mundo, lahat ay kumukupas. Kahit ang galit mo ay kukupas kaya magalit ka, pero huwag sobra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang ang iba na naaapektuhan ng pabagu-bagong patakaran. Sakyan mo lang nang sakyan ang mga pangyayari dahil sa ganito, mas mapabubuti ang buhay mo. Masuwerteng kulay-brown.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang sumali sa mga ayaw makiisa o sila na mga pabigat sa mundo. Pero kung may hindi magandang sapitin ang mga ito, huwag mo pa rin silang pagdamutan ng tulong. Masuwerteng kulay-white.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap abutin ang mataas, kaya itaas mo ang iyong ambisyon nang sa gayun, ang mga nag-aakalang puwedeng sumabay sa iyo ay sumuko at hindi mo na magiging karibal. Masuwerteng kulay-green.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aaliwin ka ng langit ngayon at sa ilang araw pang darating. Ang mga munting saya na mapasasaiyo ay magiging malaki at naggagandahang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang regalo sa iyo ng langit. Ito ay ang kakayahan mo sa pagtutuos. Pag-aralan mo kung may magandang kita ang papasukin mong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na kapag ang tao ay nanatiling tahimik sa loob ng ilang minuto, sa muling paggana ng kanyang utak, susi ng tagumpay ang una niyang maiisip. Masuwerteng kulay-pink.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang para sa iyo, pero ang mga ito ay sobra para sa iyo. Kunin mo pa rin ito at ikaw ang balahang mamahagi sa iyong kapwa ng hindi mo gaanong kakailanganin ngayon. Masuwerteng kulay-beige.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag may dagdag na kita, pasukin mo at lagi mo itong isabuhay. Sa huli, ang dagdag-kita na ipinatutupad sa sarili mo ay siyang tunay na susi ng iyong sobrang pagyaman. Masuwerteng kulay-blue.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong magsaya ang mga tao sa paligid mo. Ang mga nalulungkot ay hayaan mo rin sa buhay nila. Sa ganitong paraan, ikaw mismo ay makadarama ng kaligayahan sa kapayapaan. Masuwerteng kulay-black.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ngayon ang panahon ng pagiging agresibo sa kabuhayan. Pero ang nakakagulat ay malaki ang iaangat ng iyong yaman dahil sa kakaibang nadiskubre mong paraan. Masuwerteng kulay-violet.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page