Pananagutan sa pinsala na dulot ng bagay na nahulog mula sa gusali
- Persida Acosta
- May 21, 2020
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay may naghagis ng baso mula sa ikalawang palapag ng isang bahay at natamaan ang ulo ko. Dahil dito, nagtamo ako ng sugat sa ulo at kinailangan ko itong ipagamot. Nalaman ko na nag-away ang mag-asawa habang nagkakape at naihagis ng lalaki ang baso sa kanyang asawa ngunit nakaiwas ang huli. Maaari ko ba silang panagutin sa nangyari sa akin? – Nimfa
Dear Nimfa,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 2193 ng Civil Code of the Philippines na:
“Article 2193. The head of a family that lives in a building or a part thereof, is responsible for damages caused by things thrown or falling from the same.”
Malinaw sa nasabing probisyon ng batas na ang pinuno ng pamilya o tumatayong padre-de-pamilya na nakatira sa isang gusali o kahit anong parte nito ang siyang may pananagutan sa anumang pinsalang dulot ng anumang bagay na itinapon o nahulog mula sa nasabing gusali.
Samakatwid, maaari ninyong mapanagot ang pinuno ng pamilya na nakatira sa nasabing gusali sa tinamo ninyong sugat sa inyong ulo dahil sa basong kanilang naihagis.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments