Meralco nag-sorry, P47 online payment fee ire-refund
- Madel Moratillo
- May 21, 2020
- 1 min read

Magandang balita para sa mga customer ng Meralco na nagbayad ng kanilang bill online.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ibabalik ng Meralco ang naibayad na P47 convenience fee ng mga nagbayad online.
Ang Meralco na muna aniya ang sasagot sa nasabing convenience fee.
Ang online payment na ito ay sa pamamagitan ng Meralco App kung saan maaaring bayaran ang bill ng kuryente. Pero may charge ito na P47 para sa convenience fee.
Nabatid na una nang lumiham si Energy Secretary Alfonso Cusi sa Meralco hinggil sa nasabing charge sa mga customer habang may umiiral na enhanced community quarantine.
Sa written explanation ni Meralco President and CEO Ray Espinosa kay Cusi, humingi ito ng paumanhin at inamin na nagkaroon ng pagkakamali sa kanilang panig.
Dapat aniya ay sinagot na muna aniya ng Meralco ang convenience fee lalo na at maraming bayad center at iba pang partner outlet ng Meralco ang sarado sa panahon ng pag-iral ng ECQ. Para naman sa mga nakapagbayad na, nangako ang Meralco na isasauli ang naturang halaga sa mga consumer.





Comments