Intindihin na lang daw sa pagtatanggol sa ABS-CBN… YASSI, HUMINGI NG SORRY PARA SA PAGWAWALA NI COCO
- Vinia Vivar
- May 21, 2020
- 1 min read

Sa gitna ng pamba-bash na nararanasan ni Coco Martin ngayon, nagpahayag ng suporta sa aktor ang leading lady niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Yassi Pressman.
Sa latest Instagram post ni Yassi ay humingi siya ng dispensa para kay Coco kung nadala man ito ng emosyon.
“Mga Kaibigan po, mga Kapamilya, mga Kapuso, at mga mahal ko pong mga kababayan... Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sa kanya ay mabuti po siyang tao.
“Pasensiya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at 'yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga “kapamilya” niya.
"Kami po iyon... mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod.. mga pamilya po niya,” pahayag ni Yassi.
Hinihingi ng aktres ang pang-unawa ng lahat para kay Coco na ipinagtatanggol lang daw sila.
“Katulad po ng pagtatanggol po ninyo sa mga kaibigan, kapatid, mga magulang, at anak.... ganu'n din po ang tingin niya sa amin.
“Sana po, maintindihan po ninyo,” aniya.
Sa huli ay nagpasalamat si Yassi sa kanyang leading man at kapwa Kapamilya star.
“Salamat Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habambuhay,” pagtatapos ni Yassi.
Touched naman ang mga CocoYass fans at nagpahayag din ng suporta para sa kanilang idolo. Anila ay mahal na mahal nila ang dalawa at hihintayin nila ang pagbabalik ng mga ito sa telebisyon.





Comments