top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Balak mag-resign para mag-abroad, ‘di dapat tumuloy dahil sa humintong Career Line na bumangga sa He

  • Maestro Honorio Ong
  • May 21, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. Matagal na akong sumusubaybay sa inyong mga artikulo, lalo na sa guhit ng palad kaya medyo marunong na rin akong manghula at tumingin-tingin ng kapalaran ng tao. Pero may mga bagay pa rin akong hindi alam kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung ano ang ibig sabihin kapag biglang hinarang ng Head Line ang Fate Line sa aking palad, masama kaya ang ibig sabihin nito?

  2. Balak kong mag-resign sa aking trabaho sa isang government agency na maliit lang ang suweldo at marami pang intriga. Gusto kong mag-apply sa abroad pagkatapos ng problema ng mundo sa Covid-19.

  3. Tama kaya ang naiisip kong ito, makapag-a-abroad kaya ako at may maganda bang future kung sakaling nasa ibang bansa na ako?

Kasagutan

  1. Mali ang iniisip mong mag-resign upang mag-apply sa abroad. Ito ang nais sabihin ng humintong Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.), matapos mabangga ng Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, kapag nag-resign ka at nag-apply sa abroad, tiyak ang magaganap, bigla kang mawawalan ng trabaho at hindi ka matutuloy sa abroad. Ito ang eksaktong ibig sabihin sabihin ng pumangit na Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow c.) na tila kumurbang papasikip sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Kaya nga ang tamang advice, sa panahon ngayon, mas mainam na manatili ka sa kasalukuyan mong trabaho kaysa magtangkang makipagsapalaran sa ibayong-dagat kung saan kung regular employee ka naman, mas mainam na pumirmi at magtiis-tiis muna dahil tulad ng nasabi na, hindi pa ngayon ang tamang panahon upang ikaw ay makapag-abroad.

Mga Dapat Gawin

  1. Simple lang ang pinagagawa sa iyo ng iyong kapalaran, Archie. Kung binabalak mong mag-resign sa iyong trabaho, huwag mo nang gawin o pagtangkaan pa sa dahil kapag nag-resign ka at nawalan ng regular na pinagkakakitaan, hindi ka naman matutuloy pa sa abroad, kumbaga, dalawang bagay ang mawawala sa iyo.

  2. Ayon sa iyong mga datos, magtiis-tiis ka muna sa kasalukuyan mong trabaho dahil ayon sa zodiac sign mong Sagittarius, kusa ka ring makapag-a-abroad at ito ay nakatakdang mangyari at maganap sa taon pang 2022 sa edad mong 42 pataas (Drawing A. at B. t-t arrow d.)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page