top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagdinig sa bagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN, sisimulan next week

  • V. Reyes​
  • May 20, 2020
  • 1 min read

Pasisimulan na sa susunod na linggo ng House Committee on Legislative Franchises ang mga pagdinig kaugnay ng inihihirit na bagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Kasabay nito, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magtutuluy-tuloy din ang deliberasyon ng komite kahit naka-recess na ang Kongreso sa unang linggo ng Hunyo.

Hindi aniya nila titigilan ang mga pagdinig hanggang sa makapagdesisyon na ang Kamara kung aaprubahan o ibabasura ang aplikasyon sa prangkisa ng broadcast network.

Posibleng magsagawa ng dalawa hanggang tatlong hearing kada linggo at ang ibang witness at resource persons ay maaaring obligahing dumalo ng personal sa pagdinig ng komite. Maaaring magkaroon din ng virtual hearings.

Sinabi ni Cayetano na mayroong hindi hihigit sa sampung mga isyu na may kinalaman sa prangkisa ng ABS-CBN ang hihimayin kabilang na ang mga alegasyon ng paglabag sa terms and conditions ng napasong prangkisa, paglabag sa tax at labor laws at ang isyu ng pagmamay-ari ng kumpanya.

Sa pagtataya ng House Speaker, hindi na lalagpas ng Hulyo ang mga hearing at maaari na silang makapagdesisyon sa Agosto.

Ngayong araw ay inaasahang magpupulong ang Legislative Franchises committee para plantsahin ang detalye at schedule ng kanilang mga hearing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page