top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mag-ama, sugatan nang pagtulungan ng 4 na magkakapatid

  • BRT
  • May 20, 2020
  • 1 min read

La Union—Sugatan ang mag-ama nang tagain at paluin sila ng tubo ng apat na magkakapatid kamakalawa sa Bgy. Bulbulala, Balaoan.

Nakilala ang mag-amang biktima na sina Cesar, 63-anyos at Edwin Labiste, 36-anyos, samantalang ang mga suspek ay ang magkakapatid sina Alan, Ricky, Roger at Arnold, pawang may apelyidong Organista.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama at apat na magkakapatid na humantong pata tagain ng mga suspek sa katawan si Edwin at paluin ng tubo sa ulo si Cesar.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Ginagamot na ngayon sa ospital ang mag-amang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page