January 2021 may bakuna na vs. COVID-19 — P-Duterte
- Mylene Alfonso
- May 20, 2020
- 2 min read

Inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga kumpanya na at mga bansa na malapit nang makapagdiskubre ng bakuna kontra COVID-19 ngunit sa susunod na taon pa ito ilalabas.
Ayon kay Pangulong Duterte, isang pharmaceutical company umano ang maaari nang makapaglabas ng bakuna pero pinakamaaga na sa January 2021.
"A pharmaceutical called Moderna… I think I heard South Africa or -- I don’t know what is the legal residence of this corporation, but mayroon na silang tests -- with “s”, tests -- na showing positive results," sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang public address.
"Mayroon ng vaccine but ang problema it will be ready, according to them, by 2021 pa. January at the very -- at the earliest. So kung ganoon ‘wag ka sanang mamatay hanggang January, hintayin mo ‘yung vaccine," ani Pangulong Duterte.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga COVID-19 patients na tanggihan ang kamatayan at maghintay ng bakuna.
"‘Pag tinawag ka ng kamatayan sabihin mo, p***** i** ka umalis ka diyan kay may hinihintay ako na vaccine. Hindi ko pa panahon mamatay. Iyan ang good news talaga. That is what I was really hoping for, the vaccine," giit nito.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo na may iba pang mga bansa tulad ng China ang maaaring magkaroon na ng vaccine.
"Isa pa, I'm looking for money to -- balikan ko ulit dito kasi nag-usapan --nag-usapan tayo ng pera na may pera ako pangbili ng vaccine just in case somebody else would beat the Moderna to the vaccine. I think China has already won. We are just waiting for the announcement," saad ng Pangulo.
"Many countries are on the verge of --lumalapit na sila, malapit na sila sa vaccine. Naghahabulan. But from the -- judging from the time the COVID started up to now, I'm sure that they have made a lot of progress in finding the vaccine. Nakahanap na sila. Kailangan may pera ako niyan kasi bili kaagad tayo," wika pa ng Pangulo.
Hiniling din ng Punong Ehekutibo sa publiko na sumunod sa mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan tulad ng paggamit ng mask at pagsunod sa mga health standards tulad ng good hygiene.





Comments