Haggard ka na ba? Try mo ‘to! Katas ng ubas, epektib na pampabata
- Govinda Jeremaya
- May 20, 2020
- 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“Ubas, the fruit of the Gods.”
Maraming prutas ang sinasabing fruit of the Gods, pero mga wala namang basehan at ang marami sa kanila ay likha lang ng mitolihiya.
Pero ang ubas, mismong si Lord Jesus ang nagkumpirma na ang sinumang kumain ng bunga ng ubas ay maliligtas.
Hindi naman kaila sa lahat na si Jesus is The Lord of the Lords, Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon. Kaya ang mga Gods ay kabilang din sa kumikilala kay Lord at alam din naman nila na si Jesus ang bunga ng ubas na nakakapagligtas.
Ang kaligtasan na sinasabi sa itaas ay salvation at puwedeng sabihin na kaligtasan sa mga sakit o karamdaman. Gayunman, kinikilala rin ng mga agham ng medisina ang kakayahan ng ubas laban sa maraming sakit o karamadamang nakakamatay.
Ibig sabihin, ubas may save your life medicinally. Tingnan natin:
Lahat ng doktor ay nagsasabing ang ubas ay very good for the heart health at ang sakit sa puso ay ang numero-unong nasa listahan ng nakamamatay sa sakit.
Ang cancer ay nakamamatay din, pero sa pagkain ng ubas ay nababawasan na ang panganib na magkaroon ng cancer.
Alam ng lahat na ang high blood pressure ay nakamamatay pero sa pagkain ng ubas, bumababa ang level ng blood pressure.
Lahat din ay nakaaalam na kapag mataas ang bilang ng cholesterol sa katawan, puwede kang mamatay at sa pagkain ng ubas, ang cholesterol ay nakokontrol.
Kung hindi maagapan ang diabetes, puwede itong ikamatay, pero sa pagkain ng ubas, nare-regulate ng sugar sa katawan.
Hindi man nakamamatay, pero ang paglabo ng paningin ay hindi mo gugustuhin. Sa ang pagkain ng ubas, maaaring mapaganda at mapalakas ang eye sight.
Kaya rin ng ubas na palakasin ang bone mass.
Nagbibigay din ang ubas ng proteksiyon laban sa mga mikrobyo.
Napipigilan din ng ubas ang mabilis na pagtanda ng tao kaya ang katas ng ubas ay ikinukonsidera na elixir of youth, kumbaga, babata ka dahil sa katas ng ubas.
Higit sa lahat, kayang talunin ng ubas ang depression, gaanuman ito kalala.
Gayunman, ang isang tasang ubas ay naglalaman ng mga sunusunod:
Calories: 104
Carbs: 27.3 grams
Protein: 1.1 grams
Fat: 0.2 grams
Fiber: 1.4 grams
Vitamin C: 27% of the Recommended Daily Intake (RDI)
Vitamin K: 28% of the RDI
8Thiamine: 7% of the RDI
Riboflavin: 6% of the RDI
Vitamin B6: 6% of the RDI
Potassium: 8% of the RDI
Copper: 10% of the RDI
Manganese: 5% of the RDI
Isa sa nabanggit sa itaas ay ang kakayahan ng ubas na ibalik ang youthfulness, kumbaga, mapi-feel mo na babata ka dahil sa ubas. Puwede mo nang subukan ngayon, kumain ka ng ilang piraso ng ubas at magugulat ka dahil ang iyong pananamlay, kawalan ng gana, panghihina at pakiramdam na nag-iisa ay biglang maglalaho dahil kakaibang sigla ay iyong madarama.
Good luck!








Comments