top of page

May saysay ang katotohanan, may kapangyarihan ang kabutihan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 minutes ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | December 2, 2025



Editorial


Sa gitna ng laban kontra-korupsiyon, may mga pangyayaring nagpapaalala na hindi kailanman nauubos ang kabutihan sa ating bayan. 


At sa ika-34 na anibersaryo ng pahayagang BULGAR, mas pinipili naming ituon ang tingin sa positibong katotohanan: dumarami ang Pilipinong nais maging bahagi ng magandang pagbabago.Mula sa mga kabataan, manggagawa hanggang sa mga senior citizen -- lahat ay mulat at pumapalag sa katiwalian. 


Bawat salita at pagkilos ay binhi ng pag-asa na may malinis na pamamahala sa hinaharap.Bilang pahayagan, tungkulin naming palakasin ang boses ng mga gumagawa ng tama. 


Ang BULGAR ay hindi lamang nagpapahayag, ito’y nagsisikap na makapaghatid ng balitang dapat, sapat at tapat. Sa pagdiriwang ng 34 na taon, baon namin ang pag-asang dulot ninyo — ang mga mambabasang naniniwalang may saysay ang katotohanan at may kapangyarihan ang kabutihan. 


Habang lumalakas ang panawagan para sa tapat na serbisyo-publiko, mas tumitibay ang aming paninindigang suportahan ang positibong pagbabagong ito.Oo, may korupsiyon pa rin. Pero mas mahalagang makita na mas maraming Pilipino na ang lumalaban sa pamamagitan ng katapatan, malasakit, at paninindigan. 


At hangga’t nand’yan kayo, narito rin ang BULGAR — handa, matatag, at patuloy na umaalalay sa pagbuo ng isang bansang umaangat dahil pinipili ang tama at kabutihan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page