Dating sundalo nag-amok, 7 patay
- V. Reyes
- May 20, 2020
- 1 min read

Todas ang pito katao kabilang ang dating sundalong nag-amok sa Barangay Gadgaran, Calbayog City, Samar.
Sa ulat na nakarating sa Kampo Krame, nangyari ang insidente bandang alas-5:00 ng Martes ng hapon na kinasangkutan ng umano'y lasing na suspek na si Glenn Balunan.
Batay sa imbestigasyon, bigla na lamang umanong namaril ng kanyang mga kapitbahay ang suspek na ikinamatay nina Carlo Saldaña, 28; Garry Saldaña, 34; Vicente Lozano, 66; Jimmy Jadulco, 45; Leopoldo Molat, 64 at Jalita Ramada.
Nasugatan din sa insidente sina Humprey Tacaldo, 54 at Janine Barreto.
Nabaril at napatay naman ng mga rumispondeng awtoridad si Balunan nang maging sila ay paputukan din.
Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaril.





Comments