top of page

Bituin at bulalakaw, simbolo ng lihim na hiling na may kaugnayan sa pagyaman

  • Socrates Magnus
  • May 20, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Winnie na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nasa labas ako ng bahay, pero sa compound lang namin, tapos may bituin o bulalakaw yata akong nakita na nakatanglaw sa akin na bumaba at pupuntahan ako.

Nagising na ako pagkatapos nu’n, pero araw-araw kong naiisip ang panaginip kong ito at ang totoo nga, may gabi na inabangan yon bituin na ‘yun.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Winnie

Sa iyo Winnie,

Minsan, inaakala ng tao na puwedeng bumaba ang isang bituin sa kanyang harapan. Minsan naman, nagre-request ang tao na malaglag sa kanya ang bulalakaw.

Hindi puwede ang ganito dahil kapag bumaba ang bituin, magugunaw ang mundo at kapag ang bulalakaw naman ang bumagsak, mas grabe pa ang pinsala kaysa sa pagbagsak ng eroplano.

Ang mga salita ng tao na may kaugnayan sa mga bituin at bulalakaw ay mga naglalarawan ng hiling ng tao na siya ay suwertehin, gumanda ang buhay o yumaman.

Sa panaginip ay ganundin, hiling ng nanaginip na siya ay hulugan ng langit ng magandang kapalaran o ipagkaloob na ng langit sa kanya ang kanyang mga request in life.

Ang maganda sa panaginip na bituin at bulalakaw ay nagsasabing, hindi man sa malapit na hinaharap, pero in the near future, ang hiling ay matutupad din.

Kaya puwede ka nang magsaya dahil ayon sa panaginip mo, ibibigay sa iyo ang wish mo. Ang hiling na sinasabi ay ang mga gusto mo sa araw na ikaw ay nanaginip. Ibig sabihin, hindi applicable ito sa mga dating wish mo at hihilingin mo pa lang.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page