Titser na nag-post ng P50M reward sa makakapatay kay P-Duterte, pinalaya
- Madel Moratillo
- May 19, 2020
- 1 min read

Nakalaya na pansamantala ang guro na nag-post sa kanyang social media account ng P50-million reward sa makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos makapaglagak ng piyansang P72 libo si Ronnel Mas matapos ang mahigit isang linggong pagkakadetine.
Sa release order ni Olongapo RTC Branch 72 Presiding Judge Richard Paradeza una nang inatasan ang National Bureau of Investigation na palayain si Mas.
Nakatakda namang isalang sa arraigment si Mas sa Mayo 28 sa nasabing sala na nahaharap sa kasong inciting to sedition.
Una nang nagkaroon ng isyu ang pagkakaaresto kay Mas dahil sa kawalan ng warrant of arrest.
Pero bagamat invalid ang pagkakaaresto kay Mas, sinabi ni Assistant State Prosecutor Jeanenette Dacpano na nagamot ang depekto dahil sa extrajudicial confession ni Mas sa mga kagawad ng media na nag-cover.





Comments