Para 'di ma-depressed na hiwalay sila ni Gov. Chiz... HEART, TODO-PAGANDA NG BAHAY HABANG LOCKDO
- Erlinda Rapadas
- May 19, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Sa mga celebrities na inabot ng ECQ-lockdown, isa na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa masasabing napaka-productive at hindi nakaranas ng cabin fever dahil sa sobrang kaabalahan.
Mahigit dalawang buwan ding namalagi lang sa bahay si Heart dahil sa pinaiiral na protocol ng enhanced community quarantine. Nataon namang nasa Sorsogon ang kanyang hubby na si Governor Chiz Escudero at inaasikaso ang pagbibigay ng ayuda sa kanyang mga kababayan.
Pansamantalang nagkalayo ang power couple. Pero sa halip na malungkot at mangulila, nagpakaabala na lang si Heart sa kanyang pagpipinta at paggawa ng obra. Nabigyan din niya ng mahabang oras ang pag-aalaga sa kanyang mga pet dogs.
Ang mga alagang aso ang nagpapasaya kay Heart habang naka-quarantine at naglaan din siya ng oras upang kahit papaano ay makatulong sa mga health workers at frontliners.
Nagpadala si Heart ng food packs at relief goods sa ilang nakatira sa depressed areas. Nag-donate rin siya ng malaking halaga sa Kapuso Foundation.
Kahit sa mga personal na nagme-message sa kanya at humihingi ng tulong ay hindi nagkakait si Heart.
Ikinatutuwa naman ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na malaman na may makabuluhang ginagawa ang kanyang maybahay upang hindi makaramdam ng lungkot ngayong magkahiwalay sila dahil sa COVID pandemic.
Ang latest project ni Heart ay ang kanyang pag-aayos ng interior ng kanilang bahay. Nag-redecorate siya at binago ang "look" ng kanilang love nest ni Gov. Chiz.





Comments