Pagtatapon ng mga toxic medical waste, walang malinaw na guidelines, ‘kalokah!
- Imee R. Marcos
- May 18, 2020
- 2 min read
Ilang buwan na mula nang sumiklab ang COVID-19, pero hanggang ngayon ay wala pang malinaw na guidelines na sinusunod ang bansa sa tamang pagtatapon ng mga toxic medical waste. Nakakaloka ‘yan!
Walang clear policy sa tamang pagtatapon ng basura na puwedeng pagbatayan ng ating mga basurero, janitor at utility sa mga ospital kung saan naka-confine ang mga COVID- 19 patients. Ang masaklap pa niyan, hindi malayong mahawa sila sa sakit na puwede rin nilang maikalat sa iba. OMG!
Hindi lang ‘yan mga besh, dahil sa kawalan ng guidelines, maging ang pagsusunog ng mga toxic medical waste na magiging sanhi ng polusyon at paglabag ito sa Clean Air Act, kaya dapat planuhin din ng ating mga kasamahan sa gobyerno, paano ito mababantayan! ‘Kalerki!
‘Yun kasing mga medical waste na tulad ng personal protective equipment o PPE ay may mataas na plastic content at ginamitan ng kemikal para maging repellent para hindi mapasok ng impeksiyon at kapag sinunog ang mga ito, naglalabas ng dioxin na nakalalason sa ere o nagiging polusyon.
Lalo na sabi ng World Health organization na pipitsugin ang ating incinerator sa pagsusunog ng mga toxic waste tulad sa mga developing countries. Eh, ‘di ba nga, labag sa Clean Air Act ang paggamit ng incinerator?
Saka dapat mabago ang ipinatutupad na mga city ordinance sa paggamit ng plastic, kung kailangan bang doblehin ang plastic na balot sa mga toxic medical waste at sa mga basurahan sa bawat kuwarto ng mga pasyente at basurahan para sa mga medical waste tulad ng ginagawa sa mga bansa sa Europa.
Dapat nakabantay din tayo sa mga imported na basura na maaaring ipasok na naman sa ating bansa, we never know baka basura mula sa mga COVID-19 patients din ang mga ‘yan? Aba! Iba na ang nag-iingat!





Comments